Junggitero at Feelingero

Ah, mahaba haba pang kalye ng pagka bitter eto…

The planet shall never be the same without envious and jealous people. We will continue live with or without them won’t we?

Ang hilig ma junggit (imbentong term ko sa inggit na me tunog na pagka becky na term) sa nakikitang anumang kainaman sa buhay ng kapwa e di naman handang magsakripisyo ng oras, pera, pawis at dugo para sa bagay na gustong makamit. Ang sarap mong isako kang junggitero ka!

Napapagbintangan na rin ako madalas na feeling-era… katwiran ko kung me katwiran o karapatan naman  magfeeling ako  o yung kapwa mo.. as long as di ka nape perwisyo, wag mo na pakialaman. Lalo na kung wala kang alam sa buhay nila, wag ka namang maki-alam.

Ang mahirap yung nagpi feeling na nape perwisyo ka. Lahat naman ng tao me karapatang magpantasya. Walang basagan ng trip! Me trip ka rin naman. Maliban na lang siguro kung asar ka dun sa taong nagpi-feeling na yun. Ano isyu mo teh? kuya? Isasako rin kita ng bonggang bongga!

Junggitero at Feelingero

October 8, 2012 at 5:37 am Leave a comment

Release! Let Go! Meditate!

Lately, sobrang buryong ko at sa mga oras na sobrang buwisit e di makapag express ng galit at frustration ito ang natutunan ko on my own experience pag galit na galit ka o super frustrated ka at gustong gusto nang lumabas yung devil mong alter-ego …at nagkataon na ni hindi mo kayang iwanan yang upuan mo para gawin yun :

Release — sa pamamagitan ng isip mo, speak your mind! Magmura! Magsumpa! LOLS pero sa isip mo lang. Pero dapat normal ang chura mo at baka matakot yung katabi mong officemate. Lately ang sinisigaw ko : MANYAK!!!!! at kadalasang P.I. lols. Teka idagdag na rin yung F*** word. yung MANYAK para dun sa crush ko na ngayon eh kinaiinisan ko na rin pero di ko sya pwedeng komprontahin sa ugaling ikinaiinis ko sa kanya nang hindi sya magiging defensive o di kami mag-aaway… so just to save the professional relationship, sumisigaw ako sa isip ko ng MANYAK!!!! BTW, dati good ang work relationship namin nito eh, kaso nga sa sobrang confidence nya sa sarili, nakakalimutan nya irespeto ang opinyon ng iba at isa ako sa nadale ng matindi ng ugali nyang yun. Haist, self absorbed jerk.

Let Go — matapos magmura at manumpa sa isip, kelangan mag move on. dahil di ka makaka concentrate sa mga susunod na task, and if you keep failing, you f** up everything. Lalo na ang tulad nating mga nilalang na naghahabol ng goals. We simply can’t afford to give excessive attention, effort and time on things that are part of the past, or mistakes, we have to utilize our focus and energy on the most important things or goals in our life. Let Go means palayasin na yung nai release na galit and don’t let it consume you to the point that it devours your energy and much worse, concentration. In short, walang kwenta pagaksayahan ang mga bagay na nakakahadlang sa productivity mo bilang isang tao.

Meditate — ito yung tinatawag ko na autopilot mode. Regular deep breathing habang nakafocus at nakatutok na yung mata mo nang malagkit na malagkit dun sa LCD. Kung nagkataong lalake at tao sya, malamang naging boyfriend ko na. LOLS. Extensive Eye to Eye contact eh!

Ok. Goodluck. Mabilisang journal lang.

September 11, 2011 at 12:21 am Leave a comment

Ang Pakikipagsapalaran ng Probinsyana

Whoa. Tagal ko nang di sumusulat ah! Ang classic nito, trabaho ko na ang magbuild ng wordpress based sites pero ang blog na ito ay nananatili pa ring free version. Harharhar, di ko pa nagagawang ilagay sa sariling web host.

Sino si probinsyana? Ako yon…

Ito ang buong kwento…

7 Months Ago…

Naglakas loob akong lumipat ng trabaho aiming for better opportunity. Daming challenges, work, at yung pinakamabigat, I had to live independently at nagboard ako. I miss home, kahit yung mga stress don. Harharhar. But man, maintaining two lives is not easy, Working to help the family and help myself to survive everyday living.

Makati? Ive always been disenchanted by this city, my impression, luxury, dog-eat-dog and cruel world, kitang kita mo ang pagkakaiba ng socio-economic status ng mayayaman sa mahihirap. Laging me pressure to survive, Sabi ko dati di ako magkakainteres magtrabaho dito, I want a layback lifestyle after magtrabaho ng eight hours, me time for family at recreation. Pero this time, I really have to go out of my comfort zone  and throw out those doubt and pessimism at brave whatever hardships there are pagpapalit ko ng work location. So here I am, working my ass off and reviewing, re-planning my goals and plans and making them even better.

First months sa Work…

Na overwhelm ako dito, lalo na yung mga officemate ko, Laglag panga sa yaman sila. Daming gadgets! Samantala ako I choose to be frugal when it comes to money, pag hindi masyadong priority, hindi bibili. Pag functioning pa, hindi magpapalit.  But on the contrary, I choose to be myself and work hard for self improvements, I live by my own motto that Not having much in life makes you a lesser person than anyone else.  I have to prove myself. I have to stand up by my principle that it’s not a matter of what you have but it’s a matter of making the most of what you have.

At yung mga vocabulary nila, hindi ko ma-gets. Nung mga unang pumapasok pa ako sa mga restaurant, nangangani ngani pa akong sumablay gumamit ng kubyertos sa nerbyos at sobrang consciousness. Hindi kasi ako mahilig magpapasok sa mga restaurant lalo na yung madalas puntahan ng may-kaya. o mayaman! (I never meant to discriminate those who are rich in this post, but I have to admit, for some bad personal experiences with the rich person, I find it at times I want to hate and curse them,well just sharing what I thought, wag masamain, isipin na lang na hindi rin naman lahat ng mayamang tao, kasing sama ng mga rich person na kilala ko before.)  So ganun, I had tough times to remove my nervousness and consciousness eating with opulent officemates on restaurant. Hindi ko ikinahihiya na hindi kami mayaman, in fact Im very well proud of my fulfillments through diligence and hardwork.  It’s just that, hindi mo lang shine-share sa kanila na hindi ka kasing yaman nila just to avoid the possible discrimination (lalo na kung makitid yung utak, mahirap ma discriminate) Napakapala patol ko pa naman sa ganon at papatol at papatol talaga ako ng away kapag diniscriminate ako. At madalas non, napapaingles ako ng dire direcho para i intimidate din yung nang-aano sa akin. Harharhar. Adrenaline rush siguro! Saka ko mare realize dumiretso ang dila ko sa ingles ah ng di ko namamalayan!

Isa lang naman kasi ang pinapaniwalaan ko, anuman ang estado mo sa buhay, pare pareho kayong gumagawa ng paraan para mabuhay sa tamang paraan, sapat nang dahilan yun para respetuhin mo ang kapwa mo, kahit na iba pa sya sayo.

Well anyway,

Hindi ko alam kung hanggang kelan aabutin na naman ang susunod na goal. Im glad, kahit napakaraming personal challenges, me isang matatapos na goal at meron namang susunod.

Hayyyyy,,, Layf.

 

July 30, 2011 at 12:21 pm Leave a comment

Samu’t-Sari #4 : Child of Tofu!

Nak ng Tokwa.

Kumusta naman. Proud pa ako na ganon na ako ka-streetwise para umiwas sa trapik. Pero wala talagang naging kawala. Ang ending : kaiiwas kaiiwas at kagagawa ng shortcut at kapipili ng maikling ruta lalong na delay at nagkahirap hirap makarating sa paroroonan.
Ang unang balak sumakay sa jeep then LRT. since mas malapit ang work pag ang way Gil Puyat, this was the first plan. But then naisip ko, mabagal ang jeep pabyaheng NLEX >_< Mag fx ako.
Trap #1 :
O sige. Bigay ng P45. Tuwang tuwa naman ako pa-MRT. Medyo tanghali na kaya hindi na siguro ganon ka jam packed ang tren. Taragis. mga bandang 9am tumirik ang fx along the NLEX road at mga 500 meters pa siguro ang camachille. Walang pwede magsakay. Anytime pwede kaming masuro o mabunggo ng mga sasakyang papaluwas ang daan. We’re trapped. We’re late. We’re stucked. I am damned.
At naguumpisa na naman maging active ang stress sensor sa utak ko. Nakakainit ng ulo. Ang jologs na drayber, halatadong ayaw ibigay ang kita sa ibang fx driver na magre rescue sa amin. Nag delaying tactic! At wala syang gamit at wala rin atang skill mag mekaniko ng lintek na fx na sinakyan namin na nasira. At talagang he took his time to “text” ?! di ba dapat sa ganong situwasyon Call na agad! At ang talagang malupit, yung mga pasahero na nga nagoffer na magcontact, ni isa di makontak kontak?!
Grrr… so ayan. nabyahe kami ng backup na fx after mga 35 minutes. Mag aalas dyes na.
Trap #2 :
Sabi ko pa, why not would i take LRT instead? Pa oliveros na. E sayang ung P45! Sana nung una pa lang nagdyip na ako to reach the Balintawak to LRT route. Bahala na. Mag LRT ako kasi mas malapit ang location dun pag G. Puyat ako manggangaling. Baba ako ng Bagong Barrio.
Walang masakyan! ng papuntang LRT. Puro MCU lang. Malayo ang lalakarin ko! Grr… Yan pangalawang bad decision na yan. >_< Yung isang bibyahe ng pa North mall, mukhang bukas pa lalakad dahil intay pa ng pasahero. After mga 20 minutes nakatiyempo ng papuntang LRT north mall.
Ayun. Hapung hapo na naman sa byahe. Pagdating ng uwian :
Trap #3 : Idadaan ko sana sa office yung laptop para hindi na manggaling ng bahay ang pagdadala pabalik nito sa monday. Sabi ko, pwede Baba ako ng Cubao para sakay ulet ng bus. Lalakarin lang ng kapraso to get to the office. Sabi ko, ayaw ko maglakad. At magtatagal ang cubao bus kasi ma trapik. Bababa na lang ako ng Kamuning station para maground trip. Maglalakad na lang ako.
Ang hindi ko natantya : Ang haba ng lalakarin at masaket na talaga ang braso ko sa bitbit kong laptop. Ayun. Sa pagod naguumpisa na naman ako mainis at isisi ang kamalasan ng byahe nung umaga. Grrr…. Parang ilang bundok ang inakyat ko at ilog na tinawid just to reach the office.
Pawisan at lawit na siguro dila ko pagdating dun.
Arrgggh. lalakad na naman ako pauwe?! Para lang makasakay sa tamang sakayan. Ah, di ko na kaya!!!!!
Trap # 4 : Kala ko nakatipid na ako sa budget dahil nagbaon ako ng lunch. Pero dahil di ko kakayanin na maglakad para sumakay pa ng bus pauwi. Nag taxi ako. Grrr… Goodbye another P50. Baba ako ng isang mall to de-stress after ng nakakabuwisit na experience.. Hay, hirap ng on business trips.
Tama ang sabi ng kaibigan ko. Walang desisyong mali. Kadalasan yung nagiging outcome ang hindi natin makontrol. Magkaganun paman, dapat matuto tayo magsugal at magprepare ng backup plan pag pumalpak.
Hay, just charge it in the experience. Child of Tofu!

October 9, 2010 at 8:43 am 1 comment

Samut-sari #2 : Shonga-Shonga and Everything!

#1 Wala lang.

Lumalala na ata ang “premature alzheimers” ko. lols… wala… walang format ang post na ito. Rambol rambol na lahat ng dapat magrambol. at matira ang matibay!
Shonga Shonga. Yan ako. — madalas at madadalas pa sa mga susunod na araw. Teka bakit ba parang naging online diary ang post na to? Wala rin. Emo. Emong desperado. harharharhar.
Whew! Wag na naman sana sila atakihin na naman ng usual nilang sakit — yung mga taong madalas mag-trip kahit hindi naman adik. Actually mas malupit pa silang mag-trip sa tunay na adik!!! >_<
Mga adeeeeekkkkkkk !!!! Yan ang gusto ko isigaw ng bonggang-bongga sa peys nilang kung saan naka vulca seal na ata sa pagkakadikit ang attitude ng pang-ookray, panglalait at pamimintas. Tamaan sana kayo ng malupit na kidlat. Ayaw ko naman mag-astang asal hayup at kahit man lang sa online post na ito eh maging sibilisado man lang ako. Kahit na minsan gusto ko na idikdik sa sahig ang pagmumukha nung mga taong di mo malaman kung meron lang constipation at sumasama ang asal o ugale… Hay! Baka nga nagti trip lang. Kahit wala ka namang alam na atraso sa kanila, Buo na ang araw nila sa pamamagitan ng pagsisira naman ng araw ng ibang taong nakapaligid sa kanila… Tsk tsk… kawawa!
Why can’t we live in such a perfect world? Hmmm.. Talaga nga atang ganito kamakasalanan ang tao. Inggit. Galit. Kasakiman. In any order yan… huh.
O, wag ma-guilty nang basta basta : kung mabasa man ang post na ito. Kung wala ka namang ginagawang masama sa me akda ng post na eto o di mo naman siya kilala eh batet ka naman ma hu hurt at gaganti rin ng defensive at offensive na post??? Kaw lang ba ang may kaaway? Meron din naman ako. Me karapatan din naman ako magkaron ng kaaway hahahaha.

#2 Wala lang din.

O aminin na. Kahit puro “wala lang” ang subsection ng walang kwentang post na ito. Na curious ka pa rin basahin ano? (O, kung sino ka mang bisita ng tambayan na to) Aminin!

Sa totoo naman kasi me kalabuan minsan ang pag-iisip nating mga tao. Pag sinabing wala lang. Maraming posibleng kahulugan. As in, wala kang care, di mo concern, o wala lang na hindi masama ang loob mo pero sa totoo lang nagngingitngit ka siguro sa galit dun sa katabi mo sa lrt na di sinasadyang nakatapak sa bagong pedicure mong kuko. harharhar.. (sample scenario lang.) O di kaya , sasabihin mo wala lang na parang wa ka care o di ka nagiisip ng super deep pero sa totoo madalas ka ring tulala sa pag-iisip ng kung ano man.

Anyway, lately na realize ko :

Na ang pagiging maligaya, at malusog ay di lang basta pribilehiyo mo bilang isang tao. Bagkus, katungkulan o obligasyon mo  sa iyong sarili ang maging maligaya o malusog in all aspects, yung tinatawag na well-being;

Na kung ang gago o gaga ang tingin mo sa isang tao dahil naloloko ito or ikaw mismo ang nananamantala sa kanilang kahinaan; Mas gago o gago ka at mas masahol ka pa malamang sa hayup dahil nilalapastangan mo ang kahinaan nila. Gaya na lang ng me mga taong sa sobrang pagmamahal nila, pinagsasamantalahan sila ng mga taong mahal nila. (Ops, teka, officially nbsb member pa rin naman ako, kay tabil tabil na naman kasi ng isipan ko at ayaw na naman paawat sa pagdaldal eh! So in general observation lang naman ‘to..)  Kung sa palagay ng mga manlolokong yon walang kwenta at basahan yung taong nagpakatanga lang na mahalin sila, di hamak na sanglibot sangdaang mas tanga sila dahil hindi nila na-realize na pahalagahan man lang yung panahon at pagmamahal na iniukol sa kanila ng mga taong naging tanga lang na mahalin sila; Di lang sa romantic love applicable to ah. Love — of any kind.

Na minsan mas ok din ang maging shonga-shonga, clumsy (asiwa), sablayin,  lapitin ng kantyaw o kapalpakan pa minsan minsan para pagbigyan ang isang bonggang bonggang halakhak na madalas pa sa patak ng ulan tuwing summer. (??? Ang gulo ha. Summer expect ka ng ulan? harharhar) Kaya nga ganon ang analogy — Parang ang paglitaw ng ngiti o paghalakhak ay napakahirap nang gawin kung napakaraming pinagdaraanang problema  o mahirap na situwasyon  ang isang tao — na maihahalintulad sa imposibleng pagpatak ng ulan sa isang mainit na panahon ng tag-araw. Yan ganyan yon. Madalas seryoso ang mukha at tila napakalaking trabaho na ang magtapon ng ngiti. Kaya mas ok na ice breaker yung mga scenario na magkakamali ka at andun yung icebreaker — yung pansamantalang gawing katatawanan ang isang di sinasadyang pagkakamali; Yung tipong magiging tampulan ng joke at laughing stock sa loob ng isang linggo. Sampol, yung one time na natisod at halos madapa ako nun sa harap ng mismo ng crush ko nung highschool.. wahahaha. Tagal na non. Anyway sampol lang naman.

Na sa sobrang gulo, problemado ng mundong ito, masarap at masaya din ang mag-isa. Mas nakakapag reflect ka ng gusto mong gawin sa buhay mo pati yung pagtatama sa mga pagkakamali mo.  Make it a habit to spend time alone with yourself. Minsan sa dami ng pagkakahalu halo ng personality ng mga kaibigan mo, you need a moment of silence to find yourself. Your core. Bakit? Kung sakali na realize mo na, mapapansin mo na kung minsan hindi ka nagiging totoo sa sarili mo, yung mga ayaw at gusto mo, dahil nakikisama o nakikibagay ka mas madalas sa gusto ng iba. Lalo kung hindi ka masyadong open sa mga iniisip at prinsipyo mo na maaring iba sa kanila. Anyway, mapagtatanto mong lahat ng yon habang nag-iisa ka.  And when you get out of your shell at  once, mas vocal ka nang ishare sa kanila ito at mas maiintidihan ka nila –  It’s respecting people’s differences and uniqueness as individual.

Hay, kakapagod din ang mag-emo ha.. Pero it’s one thing that makes you feel you’re still alive. Cause you’re still capable of feeling.  Di ba? ^_^


October 3, 2010 at 9:28 am Leave a comment

Leksyon, Kwentong Kutsero atbp #7

#1 Tatanda (Na Naman!)


Whoa. Mag-iisang taon na nakaraan at dalawang tulog na lang buhat ngayon. Tatanda na naman ako. Buti pa ata yung unang post na ginawa ko nakaraang taon — iyon na ang unat huling magjo journal ako ng tungkol sa araw ng aking kapanganakan harharhar.

Nawala sa hinagap ko kasi e taun taon nga pala ako gagawa ng post tungkol sa aking Bday-D(Dedma)-Day, (At taun taon ding tatanda!) Tsk. wala na dedma na talaga harharhar.

Mas naging interesado pa nga ang ibang tao at kaibigan ko kung anong araw tatapat yun at kung ano ang balak ko gawin, ang sagot ko : “Anong araw ba tatapat yon? Martes?!” At talagang dinedma na ang birthday celebration! Wala na talagang pakialam harharhar. Tanungin ba sa ibang tao anong araw tatapat ung D(edma)-Day.

“Ilang taon ka na?,” Pang-asar na tanong ng katropa ko. Aba e wag kang bastos ah! Hindi kita ililibre! Nyahaha. Araw ko to. Sa ayaw man o sa gusto nyo, Moment ko to! Walang kontrapelo!

Sa ngayon, looking back (naks) kung eevaluate ko ang mga nangyaring challenges at fulfillment nung nakaraang taon, Napakarami ko talaga pa ring dapat ipasalamat sa Diyos. Me nangyayaring improvement at me mga blessings na dumating ngayong taon.

Nung una kong ginawa ang Happy New Year 2010 post, 2009 had a lot of hardship and challenges. Mahirap. 2010 , this year and month where my birthday falls, halfway of this year, Safe na ba sabihin na yakang yaka na ang the rest of the year at bobongga nang husto ang pagabot sa mga goals? Hmm.. I hope so, and praying so.

Isa lang masasabi ko, mas mahirap ang naging challenge ngayong taon pero at least me blessing sa side ng career ako natanggap, Isang career goal ko for this year ang napaaga ng dating. (at di ko inaasahan ang aga) then sa personal side, yung project ko para sa bahay, etc… healthcare awa ng Diyos naitawid.

Yung lovelife? Akin na lang yun. :p harharhar. Ipabahala na lang kay batman. Ang hirap eh. Basta para sa akin, Love is Business. Like a business, you need to take care of, have a plans for, and a lot of knowledge, discernment, PATIENCE and preparations. It will take much of your personal time. But one thing is for sure, You need it. like air and money. (weh? di nga)  But all waiting, loving, time and effort you spend on the RIGHT person — it will all BE worth it. Dont rush things. Malalim daw matinik ang naglalakad ng matulin. Just how right is the RIGHT person ? Parang quiz to mga ate at kuya, Your logic and feeling will know ^_^

O awat na sa topic ng Love. Wala pa rin ako makitang kandidato. And please lang, sa naligaw magbasa nito. Walang anuhan ah. Ive never been into relationships due to my personal situations or living setup (di sa ako eh alien na taga-mars at nangi-squatter lang sa planetang to) Basta. Time and Effort were the issue yun yun.

Me mga naencounter kasi akong mga tao na nagiging basehan ng attractiveness nila yung dami ng nakarelasyon nila. Opinyon nila yun and I respect that. Ang di ko lang ma-gets, bakit nila pipilit yung opinyon nila on “love and attractiveness” in their OWN point of view sa IBANG tao?

Na para bang ang chura mo kasi di pang homo sapiens kasi wala ka pa naging bf? Wag ganon. See all aspects — ALL the Why, What of an issue. Ang sinasabi ko rito yung nagbibigay ng komento na para bang alam na alam na nila lahat ng side ng story ng isang taong never been into relationship, minsan to the point na they ridicule it? Hindi ko alam. Over sensitive lang ba ako? Tapatan naman. I find it a bit offensive. Tulad nga ng sabi ko it’s based on person’s decision or maybe the situation me rason ang lahat ng bagay.

Kung ito ang viewpoint mo, so be it. Dont make such rash comments or feedbacks, AND UNSOLICITED/UNWANTED advice OR criticism — maging relationships man yan — pointing to someone’s shortcomings. (e baka nga hindi shortcoming un sa part ng tao, me limitations or restraints lang talaga sya or issues)  Kasi it will be very very offensive. Lalo na kung kelangan lang ng taong yun ang makikinig sa kanya, hindi yung pipintasan, sisisihin, o huhusgahan agad sya ng mali. He can learn on his own. He just needs TIME.

O awat na talaga to. Nake keri na ako ng emo pag natouch tong aspect na to. Based on experienced kasi eh harharhar…

O ayun. Bahala na sa araw ng D-day. Sana I could find the peace and  happiness Ive been longing for, na nawala for almost seven months na rin. Sa aadik-adik na work life situation.

Gusto ko magtransform na isang witch at isigaw : “Ibalik nyo ang oras ko!!!!! Hi Hi Hi Hi!!!!” Habang hawak hawak ang isang magic wand at gumagawa ng ritwal.

Whatever. Ito ang mundo ng mga yuppies. Ang malunod sa minsan nakakafulfill at nakakasawang sakit ng corporate life.

Gusto ko rin minsan itigil na muna ang pag-iisip. Break! Break! Magpalaboy laboy ang diwa spontaneously at maenjoy lang sa oras na dumaraan sa palad ko sa ngayon. Posible pa ba yon? Ako hindi ko rin alam ^_^

Goodluck na lang sa akin. Two days from now.

#2 Ang Itik sa Tailor Shop


Blame it on the darn traffic. At sa katabilan ng isip ni kuntilbutil. Pag trapik, nakikita ko ang mga weirdong bagay. Ang bulate na tumatawid sa kalye, Minsan uod din (Yak) Ang weird dito, sa dami ng beses ako naka encounter ng uod at bulate sa kalye, wala pa ako nakikitang nasasagasaan isa man sa kanila! XD

Madalas rin ako magtabi ng mga naliligaw na kuting, o maliliit na pusa sa kalye kapag naglalakad ako imbes na sumakay sa dalas ng trapik. Nakakaawa kasi eh baka masagasaan. Last week, 2 kuting na cute na cute ang nadaanan ko, nilagpasan ko na sila kaya lang hindi ko natiis na balikan para ilayo sila sa gilid ng highway kasi baka masagasaan. Hindi na ako naging conscious na nakapang office attire ako.

Lately, na aamuse talaga ako sa kawirduhan ng nakikita ko sa isang tailor shop dun sa highway. Me itik! Sabi ko, “Ano naman kaya ang ginagawa ng itik na to na nakatambay at nagsa sight seeing sa tailor shop?!!!!” Aba ayos to ah. harharhar. Ewan ko ba. hindi ko rin mapigilan matawa sa kawirduhan nato.

Matamang minamasdan ng kulay tsoklateng itik ang nagdadaanang sasakyan na halos hindi na gumagalaw sa trapik. Kalmado at tila isang haciendero na tinitingnan maigi ang lawak ng kanyan lupain. Buhat non, nakaugalian ko nang antabayanan na tila isang episode ng paboritong koreanobela o jdrama ang pagdisplay ng itik na ito sa loob o paligid mismo ng tailor shop na malapit sa highway.

Minsan, nung gabi pauwi na ako ng bahay sakay ng tryicycle galing office, nakita kong nakasuot ng telang pula na tila damit nito at nakikipaglaro sa isang bata. Ito ata ang amo ng itik na yun eh. Ahahaha. Playing and bonding time nila siguro.

The next night — me isang grupo ng kalalakihan na nag-iinuman,  malapit sa paligid ng tailor shop. Kinabahan at nangamba ako, nakow, baka ginawa nang pulutan yung itik! >_< Di ko alam ba’t affected ako haha. Medyo nalungkot ako. Kaya siguro pinapalaki yung itik na yun gagawin syang pulutan ng mga maglalasing ngayong gabi na to…

Nung kinaumagahan, naalala ko na naman sulyapan ng mabilisan habang nakasakay sa tricycle papasok ng office yung tailor shop. Naalala ko naging pulutan yung itik kagabi. Nang mabigla ako, ayun! andun sya! Kumakain! harharhar May kung anong tuwa at ligaya ang naramdaman ko at para akong nabunutan ng tinik na hindi naging pulutan ang kawawang itik nung kinagabihan na yun. Ayun o! Alive and Kickin’ ! Harharhar.

At nung gabi pagdaan ulit ng sinasakyan ko pauwi ng bahay from office, nakita ko na naman ung bata, kalong yung itik! nakaupo yung bata sa  semento malapit sa highway sa tapat mismo ng tailorshop kung san ko unang nakita yung itik.

Ewan ko ba. But i find those weird things funny. Siguro dala lang ng walang magawa at nabuburyong na isipan kaya ayun, ang pagsilip sa itik papunta at pauwi ng bahay galing office ang isa sa inaabangan ko araw araw… ^_^

July 18, 2010 at 5:49 am Leave a comment

Isang Dayalogo Kay Kupido

Isang episode ng dayalogo sa pagitan ng tagalupa at ni Kupido :

Sabi ng tagalupa :
Ayan ka na naman eh… Tinutudla at inaasinta mo na naman ako pilit ng pana mo. Iyan ang ayaw ko sayo eh, akala ko ba friends tayo? Bakit pati ako tinatalo mo?

Si bestfriend, si barkada, si kuya, si sister, at lahat ng taong kilala ko, tinalo mo na. Pinagpapana mo ba naman sila lahat eh. At kusa naman sila nagpapana sayo… Ayun in-love sila ngayon. Pero di lahat silang pinana mo naging masaya sa choice nila. Meron iba, masaya, yung iba … sinusubok ng pag-ibig na epekto ng pana mo, at yung iba…., nakakalungkot isiping nagdudusa sa naging consequences ng choice nila;

At eto pa… di ba pwedeng wag na lang isama yung pagluha at pagdurusa sa package deal ng love-love mo? Bakit ba kelangan pagdaanan lahat ng biktima ng pana mo yung ganon?

O ngayon, bakit di ka makaimik dyan?

Makaraan ang ilang sandali, sumagot si Kupido para depensahan ang sarili …

Alam mo, ganun naman talaga ang buhay eh.. Wag mo naman ako masyado pagalitan sa naging consequences ng mga taong pinana ko sa ngalan ng pag-ibig…

Tandaan mo, lagi namang me choice ang tao. Tama ka, hindi lahat ng dumaan sa talim ng pana ko nagkaron ng happy ending… Pero palagay mo ba matututo ang isang tao at magiging matatag sa kahit anumang pagsubok sa buhay kung wala ang luha at sakit?

Ganun talaga ang package deal, tagalupa, Take it or Leave it. Pag nagmahal ka, nasasaktan ka, lumuluha, pero ang kapalit non nagigiging mas matalino ka, tumitibay at mas nagiging mapagbigay.

Dont blame it all on LOVE at sa pana ko, tagalupa. Mahirap man tanggapin, kayong mga tao ang me fault eh.Masaya kayo pag inlove kayo, pero pag andyan na yung problema, ang hihina nyo!

Pag natalisod kayo at nadapa, parang ayaw nyo na bumangon.

Me bukas pa kaya! Di kayo dapat sumusuko. Learn where and when to fight… at the same time when to move on and let go. Life is full of second chances.

So, ano ngayon ang masasabi mo tagalupa?

Handa ka na ba tanggapin ng buong puso ang pana ko?

Kung ganon handa ka na ba lumuha, magbigay, maging matatag at matalino sa magiging consequences mo kung sakaling kumatok sayo ang pag-ibig? Maski ito ay hindi inaasahan?

At sumagot si tagalupa …

Pwede ba sa susunod na lang ako? Iwas muna ako sa pana mo. Consider this as one of my previous favors, pwede ba kupido?

Kung pipilitin mo ako, gagayahin ko yung da moves and effects na ginawa ni Keanu Reeves dun sa Matrix, yung iniiwasan nya yung mga bala ng baril sa ere sa pamamagitan ng special na da moves nyang kay bilis at kay cool! Nyahahaha..


ito raw ang gagawin ng tagalupa na ‘special na da moves’ para lang maiwasan ang pag-target ni Mr. Kupido.


Ito pa yung isa pang exhibition ng ‘special na da moves’ orig ni Agent Smith. Bale, nag-trying-hard-copy-cat si Neo di ba? ^_^ sablay nga siya eh.

Gagawin ko yun para maiwasan yung pana mo. Dahil di pa ako ready. Di pa ako handang masaktan ng bonggang bongga at di rin ako sigurado na hindi magiging selfish.

Next time na lang. Mr. Kupido, Gaya nga ng sabi mo. Dapat prepare yung tatamaan ng pana mo. Di ba?

At this point in time, di pa ako ready. Yung kaparehas na ipe-pair mo sana sa akin, mukhang di pa rin ready. Maghanap ka yung tipong mayaman at forenger ha? Yung mabait at marunong magmahal. Joke Lang! Kaw na bahala.

So, ibig sabihin ba nito we made a deal?

At Sa huling paalala ni Kupido :

Bahala ka. As if me magagawa naman ako kung sadyang kay tinik at lupit nyang “special da moves” mo na yan sa pag-iwas mo !

Basta, ito lang ang kabilin-bilinan ko at babala :

When I hit you with my arrows, and you’re ready to FALL in love, Make it sure that you MEAN it so truthfully that you’ll always BE in love

Tanggapin nyo ng may katatagan at buong ahem…POISE problemang kaakibat ng pagmamahal o pag-ibig.

Di yong nagkakandasuka kayo at binabayo ng matinding HANG-OVER matapos nyong maglaseng pagkatapos mabigo! Nakakahiya kayo! Do it with full composure and level-headedness.

In short, pangatawanan nyo. Di yung gusto nyo lang laging yung langit at sarap lang ang gusto nyo i-experience. Pag andyan na problema mabilis pa kayo sa alas-kwatro kung magpulasan. Fight for it. if, and only if, it WORTHS it.

Wag nyo gawing laro lang ang pag-ibig, bagkus, treat it as treasure and blessing. At kapag di nyo sinunod to at nagpasaway kayo, kayo na ang bahalang makipag-usap kay Mr. Karma.

So, are we clear making this deal ? IN or OUT ka ba? Nasa iyo yan.

May 16, 2010 at 4:23 am 2 comments

Older Posts


KuntilButil – D’ BLAG-ger


Sino si kuntilbutil? Maaring ikaw, sila, o ako. Minsan normal, minsan hindi.

Calendar

April 2014
M T W T F S S
« Oct    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

KuntilButil's Recent Posts

KuntilButil’s Posts Archives

Mga Naligaw at Napadaan

  • 13,029

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.