Ang Istorya sa likod ng mga Puting Buhok

May 5, 2009 at 3:45 am 1 comment

Ilan lang ang sandaling ito na naharap ako sa salamin upang magsuklay ng buhok. Nakapukaw ng aking pansin ang mga buhok sa gilid ng aking mga sentido -May 4 nang maliliit na puting buhok ang tumubo dun. Mga 2 – 3 inches ang haba ng 2 hibla sa magkabilang gilid ng aking sentido — Mga kasisibol lang na puting buhok.

Months ago, me nauna nang dalawang sumibol, nung una kong napansin ito mga kalahating pulgada lang ang haba.. Sa sarkastikong patawa nagtrip ako sa harap ng salamin at kinausap ang 2 hibla ng uban — “O, me mga puti na rin pala ako sa gilid ng sentido ko ah! Welcome!!! “ na me kasabay na pag ngisi.

Bigla na namang naglaro ang dati nang malikot kong imahinasyon at isa isang nagsulputan ang mga katanungan :

1. Talaga bang tumatanda ang tao? Pano ba nasusukat ang totoong gulang nito? Sa dami ba ng kulubot na mukha at balat? Sa dami ba ng puting buhok o uban?

2. Bakit me mga taong parang hindi “tumatanda” ang pag-iisip sa kabila ng pagiging matanda na ang itsura sa aspetong pisikal?

3. At bakit ba pag nagkakaidad na ang tao, nagigiging katatawanan ito sa mga taong mas nakababata sa kanila? Dapat ba pagtawanan ang pagkakaron ng “edad”?

Hindi pa naman ako ganun katanda. at hindi rin naman ganun kabata.

Siguro nga, na ang pagtanda, gaya ng takot — ay nasa isip lang ng tao. Ang sukatan ng pinagkatandaan ay wala sa edad — numero lang yan. Ang pinagkatandaan ay nasusukat sa dami ng karanasan at karunungan mo sa buhay.. at kung pano mo ginagamit ito ng wasto.

Hindi porke mas matanda ang tao sa edad ay may pinagkatandaan na ; o me “maturity” na.. Me mga tao na masasabi mong matanda sa “taon” pero hindi matanda or husto or mature ang “pag-iisip”. At me mga tao rin na “bata” maituturing ang edad pero “matanda” o matured nang mag-isip…

Ito ang mga istorya sa likod ng puting mga buhok… Ang istorya ng karanasan at karunungan sa buhay.

Nabuo rin ang pauso kong quote : “Its better growing old and getting mature rather than growing immature and getting old”

Ibig sabihin “Kalabaw lang ang tumatanda!”

Entry filed under: slice of life. Tags: .

Si Pacman at TV Network wars! Celebrity Celebrant : Darren Hayes (May 9)

1 Comment Add your own

  • 1. hezzle escosio  |  July 1, 2012 at 3:27 pm

    …pano kong ndi tumatanda ang tao

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


KuntilButil – D’ BLAG-ger


Sino si kuntilbutil? Maaring ikaw, sila, o ako. Minsan normal, minsan hindi.

Calendar

May 2009
M T W T F S S
    Jun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

KuntilButil's Recent Posts

KuntilButil’s Posts Archives

Mga Naligaw at Napadaan

  • 18,741

%d bloggers like this: