Leksyon, Kwentong Kutsero atbp. #2

May 22, 2009 at 5:04 am 4 comments

#1 : Mainit, Kontrobersyal!

Mainit na mainit ang issue sa kamoralan , wastong paggamit ng makabagong kagamitan at teknolohiya, isyung pangkababaihan at relasyon  – sa kasamaang palad : salamat sa mga video scandal na nakabuyangyang at pinagpye pyestahan ngayon sa youtube, at sa mga kopya ng piratang dvd na hot items ngayon.

nakakatawa lang na kungdi pa me masangkot na “matabang isda” sa isyu na ‘to, hindi rin naman ito magiging ganun ka-sensational.

Wala lang. siguro impression ko lang na ginagamit lang ‘to ng mga pulitiko para nga naman masabi na me involvement sila para sa darating na eleksyon. Kasalanan ko, kasi mahirap akong mabola eh! Sorry naman!

Hindi sa sinasabi kong masama ang ginawang pagtugon ng mga pulitikong ito sa ginawang pambababoy at pananalaula ng krung krung na Dr. wack-KHO na ‘to di lang sa mga naging karelasyon nya (maging sa mga kababaihang pinay na rin) ang nakakainis lang…

Marami nang naging kasong ganito involve ang mga kababaihan na hindi naman sikat o “matabang isda”, eh hindi naman ganun ang naging pagtugon ng mga ito nang pumutok ang mga video na naglalaman ng maseselang tema , nakakasira sa kanilang pagkatao , at lumalabag sa kanilang privacy.

Ang mga naging biktima maging sikat man sa pangalan o hindi, deserves the utmost response, support, their justice too. Ang siste, pareho rin naman ang mga karapatan na nalabag sa kanila.

At me 8 cyber bills ang minamadaling ipatupad ngayon.. sana naman kahit pano makatulong ito para maibsan ang lumalalang pagkabulok ng moral ng lipunan, na ang masaklap , gamit pa ang makabagong kagamitan at teknolohiya.

At sa mga kababaihan naman, maging leksyon na sana ito. Kilalanin maigi ang pinagkakatiwalaan nyo maging ito man ay kaibigan o karelasyon.


#2 : Time Management

Mahirap talaga ang time management. Ito na yata ang isa sa pinakamahirap na skills na matututunan ng isang tao — ang mahalin at pahalagahan ang bawat oras na dumadaan. Sapagkat pag itoy nakaalpas na, di na babalik pa.

Salamat sa napakaraming article, libro, tv series (mostly tagalized or foreign) at araw araw na karanasan. Marami sa mga ito napaghugutan ko ng tamang inspirasyon kung pano gamitin ng wasto ang oras.

Ok lang ang multi-tasking. Pero wag sosobra. Ito ay lumalabas na diskarte kung pano ka makikipagbakbakan sa napakabilis na takbo ng oras – Ilan ang nagawa at na-accomplish mo sa dami ng oras na tumakbo at ginugol mo?

Siguraduhin lang na kahit nagmu multitasking ka, hindi mawawala ang sapat na pagkain, tulog, pahinga,  libangan, oras para sa pamilya, kaibigan, komunidad, at Dyos.

Bakit ? Una, ito ang mga rason kung bakit may purpose kang mabuhay ng makahulugan at kung bakit ka nakikipagbakbakan sa oras at panahon. Pangalawa,
Kailangan mo ng malusog na pangagatawan at isip para magampanan mo ang dapat mong gampanan, in most efficient way. Para maganda rin ang resulta ng pinagpaguran mo.

In general, ito ang nakikita kong area na laging pinaggugugulan ng oras ng isang ordinaryong tao :

0. SARILI
1. TRABAHO
2. PAMILYA
3. KAIBIGAN, KOMUNIDAD
4. LIBANGAN AT MAKABULUHANG BAGAY
5. FAITH IN GOD

bahala ka na kung pano mo diskartehan yan. at kung sino dyan ang priority mo.

Ang sumusunod ay lyrics ng isang kanta ng foreign band na Five For Fighting, (the same band behind the hit song Superman) na tumatalakay kung pano ginugugol ng isang ordinaryong tao ang isang daang taon ng kanyang buhay :

100 Years
5 for fighting

I’m 15 for a moment
Caught in between 10 and 20
And I’m just dreaming
Counting the ways to where you are

I’m 22 for a moment
And she feels better than ever
And we’re on fire
Making our way back from Mars

15 there’s still time for you
Time to buy and time to lose
15, there’s never a wish better than this
When you only got a hundred years to live

I’m 33 for a moment
Still the man, but you see I’m a they
A kid on the way babe
A family on my mind

I’m 45 for a moment
The sea is high
And I’m heading into a crisis
Chasing the years of my life

15 there’s still time for you
Time to buy, Time to lose yourself
Within a morning star
15 I’m all right with you
15, there’s never a wish better than this
When you only got 100 years to live

Half time goes by
Suddenly you’re wise
Another blink of an eye
67 is gone
The sun is getting high
We’re moving on…

I’m 99 for a moment
Dying for just another moment
And I’m just dreaming
Counting the ways to where you are
15 there’s still time for you
22 I feel her too
33 you’re on your way
Every day’s a new day…
15 there’s still time for you
Time to buy and time to choose
Hey 15, there’s never a wish better than this
When you only got 100 years to live

Entry filed under: current events. Tags: , .

Happy Mother’s Day, Nanay!!! (May 11) Sen No Yoru Wo Koete (Overcome the Thousands of Nights) – Bleach Movie : Memories of Nobody OST

4 Comments Add your own

  • 1. eloiski  |  May 25, 2009 at 1:34 pm

    woohoo!
    kasi kasi kasi eleksyon na naman kaya ganyan! humahakot sila ng atensyon!
    asus!

    multitasking? dude! that’s an ability! hakhak! meron ako nyan! matindi! lalo na kapag sabay-sabay na mga school workd. at oo dapat isama mo din diyan si RUSHING, one of the best skills!

    wala lang napadaan!

    Reply
    • 2. kuntilbutil  |  May 26, 2009 at 2:34 am

      Salamat sa pagbisita! Eloiski.🙂

      Reply
  • 3. Otakore Literantadodist  |  May 30, 2009 at 2:47 pm

    Abt. #1 – Sana gawin na’ng pribado yung kaso at huwag ng pagtuunan ng pansin pa ito. May mas mahalagang bagay pa kaysa sa isyung “Hayden Mho-Katrina Halili” na kailangan pag-tuunan ng pansin ng Gobyerno. Buhay lang ng dalawang sibilyan yan ang dapat pagtuunan ng Gobyerno buong bayan, tsk, tsk, tsk. Hindi ko iboboto ang mga Senador na nagtutuon ng pansin sa isyung iyan.

    Abt. #2 Time Management – Hindi uso ang time management kay Juan.
    Ang nakagawian at uso kay Juan – INUURONG ANG ORAS. (Sariling opinyon ko lamang, huwag tularan.)

    Reply
    • 4. kuntilbutil  |  June 2, 2009 at 11:09 am

      Hi there mr. otakore🙂
      salamat sa pagdaan at pagbasa kahit na medyo me pagkabyolente ang reaksyones ng mga post ng blog na ‘to

      abt#2 : hehe, ok lang inuurong ang oras, KUNG marami pa ang natitira sayo.. mahirap din naman kasi lagi kang nagmamadali.. hindi mo mananamnam maigi ang lahat ng magagandang pangyayari sa buhay mo if youre constantly move so fast🙂

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


KuntilButil – D’ BLAG-ger


Sino si kuntilbutil? Maaring ikaw, sila, o ako. Minsan normal, minsan hindi.

Calendar

May 2009
M T W T F S S
    Jun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

KuntilButil's Recent Posts

KuntilButil’s Posts Archives

Mga Naligaw at Napadaan

  • 18,741

%d bloggers like this: