Leksyon, Kwentong Kutsero atbp. #3

May 28, 2009 at 11:46 am 1 comment

#1 : Swerte, Olats at Alat : Hay…! Buntung-hininga na lang!


Hay, hay, hay… at isa pang.. Hay…!!! Buntunghininga na lang! San kaya makabili ng swerte??!!

Panget talaga ng month na ‘to… Mukhang tumatalab na nga ang prediksyon  na di kagandahan at puno ng disappointment at frustration ang kapalaran ko ngayong Year of the Cow.

“Ano naman ang paki namin sa  horoscope mo?,” malamang ang maitatanong ng naligaw sa mumunting pook sapot na ‘to.

“Ano naman ang paki ko,  kung wala kayong paki sa reklamo ko  sa horoscope ko?” yun ang sagot ko, joke! peace!

Naghahanap lang ako ng masisisi.. ang alat alat talaga ng araw ko ngayon… actually nung last month pa nag-start ang frustrations ko.

Disappointed and frustrated in my life in general.

* Sinapian na naman ng alagad ng dilim yung si entity #666, madalas magtrip at bangag kahit di naman adik..patutsada ng kung anu-ano. The heck I care! Basta malinis kunsyensya ko. Wala naman akong mapapala at di naman ako kikita ng pera kung papatol ako at tiyak masisira ang dati nang sira kong araw. Panapanahon lang yan.. trip nyang mang-inis.. manigas sya. makaka-score rin ako sa kanya…hehe.. Pagbigyan na lang, pasyente eh! mukha lang matino at maganda magdala…pero yung kinikilos nya para syang dating pasyente ng mental sa Mandaluyong.

* Me magandang news!!! Ang BAD news – hindi para sa akin, good news para sa iba ! Aaacccckkkk!!! Bakit ba lahat ng swerte iba ang sumasahod at kadalasan ako naman ang sumasalo ng bad news at alat ??!!

* Hirap magconcentrate. ilang araw nang pagod at puyat, ilang gabi nang di makatulog kakaisip ng mga isipin.

* nakakapagod na. ilang araw na rin ako nagpapalipat lipat ng hihigan makatulog lang ng matiwasay. pakiramdam ko nakarating ako ng malayo at makakatulog nang maayos pag nalipat ako ng papag na hihigan.

* talaga atang ganito lang ang buhay.. me araw na napaka swerte ko.. nahuhulaan at nape predict ko pa nga kahit yung huling trip ng sasakyang masasakyan ko… me swerte rin ako sa raffle… kaso me araw ata na napakaalat talaga.. yung mga swerteng na-consume ko ng ibang araw , lahat naman ng alat at palpak mararanasan ko rin sa loob ng isang araw… hay!

* iniisip ko madalas, bakit kaya yung mga taong tila wala namang kwenta at silbi ay higit na mas maswerte sa akin.. yung mga taong walang ginawa sa buhay kungdi magpahirap ng kalooban at buhay ng kanilang kapwa… di ba parang unfair naman ang buhay nun?

* Bakit kaya yung mga taong may tinatamasang mga bagay na wala ang iba hindi nila magawang pahalagahan? Hindi na nga pinahahalagahan, inaaksaya pa o di kaya naman ginagamit sa kasamaan o walang kabuluhan??

Tulad nga ng sinasabi ng isang taludtod sa tulang “Desidarata” :

” If you compare yourself with others, you may become vain or bitter;
For always there will be greater and lesser persons than yourself.

Enjoy your achievements as well as your plans. Keep interested in your own career, however humble;
It is a real possession in the changing fortunes of time. “

kahit pano pag nababasa ko ang mga linya ng tulang ‘to na rerealize ko pa rin na hindi rin ako ganun kamalas… at totoo nga hindi tayo dapat basta-basta nagkukumpara kung ano ang wala tayo na meron ang iba.. kung susuriin natin maigi ang kalagayan ng iba, baka masorpresa pa tayo na mas nakahihigit pa tayo sa kanila — not only in material aspect, but the point is that we might already have most of what we need in life — kung ano ba ang importante sa buhay natin ay maaaring nasa atin na — natatakpan lang ng pagkayamot minsan ang pagiging rational natin… at kung susuriin ang katotohanan ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang krus na pinapasan..

Sa kabilang banda, ipinaalala ng tulang ito na pahalagahan mo ang hanapbuhay mo, basta marangal. Kung me mga bagay pa tayo na gustong makamit, kumilos lang tayo at gawin ang lahat… Makuha man natin o hindi ang minimithi natin, marami tayong matutunan at pakikinabangan natin ang natutunang iyon sa mga susunod pang panahon.. Kung di man natin makamit yon, malamang me nag-iintay na mas mabuting resulta. Walang talo, hindi ba?

Hay, hay, hay… at isa pang.. Hay…!!! Buntunghininga at Konting TIIS na lang! San kaya makabili ng swerte??!!



#2 : Jpop at Nilagang Mani

Sa loob ng halos 2 buwang paspasang pagod, hapo, puyat, bugnot at buryong sa nakapapagod na hanapbuhay.. me isang bagay akong natuklasan.. Sanctuario ko na ang maupo na parang prinsesa pag nagco commute ako pauwi…ang makinig ng jpop at…! pumapak ng nilagang mani at isang bote ng mineral water

Talo yang si jollibee.. mcdo.. pizza hut, shakeys, at chowking… hinding hindi ko ipagpapalit ang pagpapak ng nilagang mani at pakikininig ng Jpop at Anime/Jdorama OSTS habang kalmadong nag-aabang ng pag-usad ng napakabagal at nakayayamot na traffic sa edsa…

Pagsalpak ng headset at ipod sa tenga ko.. Presto! iba ang pakiramdam.. napakagaan sa mood makinig ng magagandang himig ng Jpop kahit pa hindi ko lubos na naiintindihan ang nihongo. Buti na lang mahilig ako sa music at dun ko na lang ibinubuhos ang stress ko kaysa magyosi..

Hindi ko ganong iniinda ang pagkayamot sa nakaririnding traffic at parang nasa ibang mundo na ko.. ang mundo or state of mind na trip ko.. Pag nagumpisa na akong makinig habang bumibyahe pauwi.. hinahayaan ko na lang tangayin ako kung san man ako dalhin ng jpop music…

Ayon din sa isang quote :

“Life, without MUSIC is Boring.”

Never mind the f–g traffic, the stressful days, bahala kayo dyan. Iiwan ko kayo. Bahala kayong magkagulo dyan…dun ako sa trip ko – Jpop at Nilagang Mani while riding your way home, anyone?

Entry filed under: slice of life. Tags: , , , , .

Sen No Yoru Wo Koete (Overcome the Thousands of Nights) – Bleach Movie : Memories of Nobody OST Creative Writing #1

1 Comment Add your own

  • 1. Otakore Literantadodist  |  May 30, 2009 at 2:54 pm

    Abt.#1 – I recommend you read “The Secret by Rhonda Byrne”. Baka kaya ka nag-tataka sa mga taong walang silbi na siniswerte ay nabasa nila ang tungkol sa Law of Attraction. (<- hindi ito weird)

    Abt.#2 – Ano work mo?

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


KuntilButil – D’ BLAG-ger


Sino si kuntilbutil? Maaring ikaw, sila, o ako. Minsan normal, minsan hindi.

Calendar

May 2009
M T W T F S S
    Jun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

KuntilButil's Recent Posts

KuntilButil’s Posts Archives

Mga Naligaw at Napadaan

  • 18,741

%d bloggers like this: