Leksyon, Kwentong Kutsero atbp. #4

July 23, 2009 at 12:24 pm 9 comments

#1 : Time Bomb

At ang oras ay nag-timeout gaya ng timebomb na ito.

Accckkk!! — at dumating na ang araw ng deadline. Araw na nung bata ka eh (bukod sa christmas day ) sabik na sabik ka magpa spoil sa mga parents o friends mo na tuparin ang kahilingan mo — Shuuuwwwiiinnnggg !!! tunog ng magic wand!

Pero nung dumating na ang markadong date na ‘to sa ngayong taon na ‘to tinawag ko na ‘tong D-DAY, sa halip na short cut na B-DAY, D-Day kasi yung ‘D’ , DEDMA!! Tama! DEDMA !!! —  DEDMA ang ARAW na ‘to kasi …

1.  Nagdadagdag ng 1 taon sa buhay mo. — “Mathematically” nagkakaedad na

2.  Disimuladong nagdadagdag ng kakaibang pressure tungkol sa gagawin mong gameplan — direksyon ng career at personal mong goals sa buhay; Panahon rin para check ang status ng goals mo. Wow! check mo kung gano ka kahusay sa time management! By this high tech time naco compute na rin daw kung kelan ka pwede magretiro at maghintay ng pension mo sa SSS na parang hari/reyna. hawhawhaw!!!

At sa mga single, tsk.. lalo sa mga modern working women — check nyo rin kung interesado pa kayong mag-asawa.. tumatakbo at lumilipas din ang biological clock! Baka naman nalilibang na rin kayo sa trabaho?

Ang pinakaayaw ko sa item na ‘to yung di ako makatulog ng maayos sa gabi !!! Kaka-stress!

3. Dyahe mag-fangirl at manood ng anime – kasi mostly karaniwan ng kakilala mo, akala ang cartoon ay tulad ng anime — pambata lang. Defensive mode lang : check nyo ang tema ng anime — hindi lahat dun pambata, kasi me violence at dark themes din! At me mga storya don na sadyang napakalalim o philosophical kung minsan. Hmmp!

4. Limitasyon sa pakikiuso ng hairstyle o fashion — restricted ka nang sumubok at maging adventurous — dahil me mga binabagayan din sa edad — Well, maliban na lang kung carry mo pa — or makapal ang sikmura mo na sumalo ng unsolicited comments or in kabaklaan term : “Pang-ookray”

5. Eto medyo medyo lang ~ maglambing sa parents mo, kahit nasa edad 30 ka na o pataas at nagkataong single ka pa rin. Yung mga tipong para kayong barkada o “gang” kung magsuligi ng kung ano ano sa mall o divisoria, magpasama magpa pasta sa dentista, etc. Yung iba kasi, they find it so very childish at inaasume na sumisilong ka sa palda ng nanay mo eh ang tanda mo na. hakhakhak!

Pero sabi ko nga, ang taon figures lang yan. Do whatever your heart’s desires are– Youll maybe surprised you get younger at heart! Di ka naman mapapaligaya ng sasabihin ng iba.

Overall Status: Trying hard and (still) achieving. Malayu-layo pa ang lalakbayin ko. Kahit hindi ko na reach lahat ng goals ko this year, on going process pa rin naman yung iba. Kahit baby steps lang. Kesa walang progress di ba? Ang importante me kinahinatnan kahit ilang goals lang. Kasi yung iba, long term goals talaga.

Hindi naman ako ipinanganak na nasa akin ang lahat ng  kelangan ko, (well, sino ba?)

Ang ibig ko sabihin mostly lahat ng goals ko, kelangan pa ng maraming pagtityaga at work around. At kung ano man ang naging achievements ko, maliit man o malaki, ay resulta rin ng :

1. ilang litro ng pawis
2. ilang bote ng luha at sama ng loob
3. ilang kilo ng sakit ng katawan
4. ilang times 10 na tao na nagbigay hamon at pagsubok sa aking katatagan at kakayahan (at nagpahirap hakhakhak!)
5. ilang times 10 na tao na tumulong at umalalay na batahin ang pagsubok sa NGALAN ng : KATUPARAN NG MGA PANGARAP! (BOW)
6. ilang libong dasal sa paghiling at pang-alis ng kaba at agam-agam
7. ilang libong gabi ng pagpupuyat
8. ilang libong gabi na di napagkatulog sa pag-aalala
9. ilang libong lugar at sitwasyon na napasukan para hanapin ang solusyon sa NGALAN ULIT NG : KATUPARAN NG MGA PANGARAP! (BOW)
10. ilang times 10 na mga tao na nasungitan, nakagalitan, at naging bahagi ng di pagkakaunawaan

11. ilang gramo ng hemoglobin/red blood cells ang nawala dahil sa anaemia.

Yun nga lang, sa kung gaano kadali o kahirap ang pagdadaanan ng isang tao ma-attain lang ang goals nya. — Dun nagkakaiba-iba. Pwedeng sayo madali lang, sa akin mahirap, at yung sayo mahirap at sa akin madali lang.

Kungdi man madale ngayon, tiyaga lang! Mabu-bulls-eye rin yan sa tamang timing o panahon. Ganun talaga eh, kesa me regrets ka na hindi mo sinubukan lahat para lang makamtan ang naisin mo sa buhay. Sana lang makagawa pa ako ng maganda gandang strategy para mapabilis ang personal goals ko. At sana hindi lang “baby steps” ang maging progress, “big leaps” na sana.

Ganbarimasu yo!!


#2 : Holiday – BDay- D(edma) Day

Relax-relax lang : Hay, ang sarap siguro gayahin ang dolphin na ito na  pa-swimming swimming lang sa clear sky blue water! Isama ‘to sa big time wish list (image courtesy of : nice-france-holiday.com)

Syempre kung me kinaayawan ako sa B-Day con D(edma)-Day, meron din akong pinakagugusto. Dyaraannn! Dumating na ang araw at nagkataon lunes pa! harharhar!!!

Sabi nga nila libre ang mangarap. Safe gawin ‘to. Kaya ang hirit ko :  “Libre ang mangarap, At di ka maba-bankrupt!!!”

Sabi ko dun sa isang close friend na ka-chat ko, sana pwede tayong magdeclare ng sarili nating holiday. Para kung di natin trip pumasok lalo na kung lunes, declare lang natin Non-working Holiday. hakhakhak!!! Kung nagkatotoo siguro ito, malamang sa loob ng isang taon sa kalendaryo , mas marami ang non-working holiday sa regular working day. harharhar!!!

Ano nga ba ang pinaggagawa ko nung weekend hanggang nung araw na ‘yon :

Nung Weekend : Gawaing bahay, anime marathon sa local tv broadcast

Nung D(edma)-Day/B-day :

1. Nagpagupit = sa unang pagkakataon i took a risk to choose a certain hairstyle na di ako sure kung babagay, buti na lang nakachamba ung gumupit! at chumamba rin ang napili kong haircut! Kungdi, bad hair day  na naman ‘to!

2. Nagmall = nag-shopping ng kailangan.. konting gala. silip kung ano ang showing sa sinehan (parang di lunes nung araw na yon ah! Nag feeling weekend daw ba sa first day ng working week?! harharhar)

3. Kumain = akala ko isusuka ko pa ung mga kinain ko. hakhakhak! Nabigla at napasobra lang pala ako ng pagkain. Tsk.. nagmukha tuloy akong dayukdok sa katakawan at muntik nang di i-carry ng tyan ko.

4. Nag-rerun ng ilang episodes ng J-dramang “Bambino” = namiss kong gawin ‘to. Di ko na magawa ‘to pag late na ako umuuwi.

5. Natulog ng maaga = binibilang ko kung ilang oras na lang bago matapos ang “bakasyon” na ito. Tsk..Tsk…! Bakit ba lahat ng bagay na masarap at masaya kay dali daling matapos? Kinabukasan balik sa realidad  na naman. Kelangan magtrabaho para kumita. Yan ang mundo ng mga working.

Yan, yan… lang ang nakayanan kong i-afford na birthday gift para sa sarili ko — ang mga bagay na nabili ng pera na kailangan ng katawan at kalusugan.

At yung iba — sa sobrang priceless, di mabibili ng pera kailanman : kaligayahan kasama ng mahal sa buhay at kaibigan; at katiwasayan ng kalooban

Yung pangatlo, takas muna sa “battlefield” ng totoong buhay — kahit pansamantala lang. Sabi sa commercial : Have a break, Have a kitkat!

Salamat Lord!

Entry filed under: slice of life. Tags: .

Farewell To Thee, King : Just Another Michael Jackson Tribute Creative Writing #2 : Tula ng Isang Saranggola

9 Comments Add your own

  • 1. Otakore Literantadodist  |  July 23, 2009 at 4:36 pm

    Happy Birthday! Ilan taon na PO kayo?
    Muka POng workaholic ka.

    Single at 30? Get time to socialize. Masaya ang may partner.

    ^_^

    Reply
  • 2. kuntilbutil  |  July 24, 2009 at 2:20 am

    hehe.. Mr. Otakore! salamat sa greeting at sa pagdaan. Pwede ko ba sagutin ang edad in terms of “age by heart” ? Kung pwedeh – 27 harharhar!! (sinungaling!) pagbigyan mo na – birthday naman e!🙂

    Oo nga eh, nauubos kasi ng oras sa work — so most common problem talaga is having time to socialize. But we’ll fix it.🙂 Salamat ulet!

    Reply
  • 3. Maribel Ho  |  July 27, 2009 at 6:10 am

    Hi
    Today is Monday…I hope na nag-iba ang ihip ng hangin🙂 Tama si Mr Otakore..masarap ang me partner…pero alam ko naman na in God’s time, ibibigay nya rin ang Mr Right Guy sa buhay mo.
    I enjoyed reading your new “saloobin”…that’s good…just express yourself.
    Ingat and God Bless

    Reply
  • 4. bernardumali  |  July 31, 2009 at 6:05 pm

    wag mapressure. ang isip naman hindi tumatanda

    Reply
  • 5. siyetehan  |  August 4, 2009 at 5:33 am

    hambiberdey!
    🙂

    ganun siguro talaga pag tumatanda. kinakalimutan ang bday.

    Reply
    • 6. kuntilbutil  |  August 4, 2009 at 5:43 am

      salamat sa pagdaan!

      Reply
  • 7. otep  |  August 5, 2009 at 1:22 pm

    hehehe ikaw ba ang babaeng shin-chan?

    ang cute..

    hehhehe

    napadaan lang😀

    Reply
    • 8. kuntilbutil  |  August 6, 2009 at 11:49 am

      Salamat sa pagdaan. Favorite ko si shin-chan pero i dont think ako ang babaeng version nya, kasi mas kalog sya sa akin. wala na atang kukulet pa sa batang yon! harharhar

      Reply
  • […] sa hinagap ko kasi e taun taon nga pala ako gagawa ng post tungkol sa aking Bday-D(Dedma)-Day, (At taun taon ding tatanda!) Tsk. wala na dedma na talaga […]

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


KuntilButil – D’ BLAG-ger


Sino si kuntilbutil? Maaring ikaw, sila, o ako. Minsan normal, minsan hindi.

Calendar

July 2009
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

KuntilButil's Recent Posts

KuntilButil’s Posts Archives

Mga Naligaw at Napadaan

  • 18,741

%d bloggers like this: