Archive for August, 2009

Creative Writing #2 : Tula ng Isang Saranggola

Matagal-tagal na rin nung huli akong sumali sa mga ganito. Nung huli sa isang church songwriting contest ako sumali at nung college days pa ako non.

Naisip nyo na ba ang pagkakapareho ng tao at ng saranggola?

Ito ang aking entry sa Saranggola Blog Awards – Tula , pa-contest ni Mr. Blue

Mangarap at Lumipad Ka!

(Tulad Ng Isang Saranggola)

Katangian!
Ang pangarap — tulad ng saranggola,
Malaki, maliit, simple o magara
Iba-iba man ang sukat, kulay o hitsura
Sila’y papalaot sa himpapawid ng tadhana

At kung ang tao man ay mangarap
Pagdugtungin ang tiis at hirap
Tulad ng pagbuo ng isang saranggola —
Katawa’y pinagtagni-tagning pag-asa

Mangarap at Lumipad Ka …
Tulad ng Isang Saranggola!

Katapangan!
Sapagkat siya’y itinadhana
Na lumipad at langit ay halikan
Abutin ang ulap, makipagsapalaran
Subukin sa himpapawid pumailanlang

Ang taong may mithii’t pangarap
Buo ang loob harapin ang dusa’t hirap
Buong tapang haharapin ang kawalan
Susugal maging anuman ang kahinatnan

Mangarap at Lumipad Ka …
Tulad ng Isang Saranggola!

Katatagan!
Kapag lumipad na ang isang saranggola
Tatag ng kalooban kanyang sandata
Makapangyarihang hangin kanyang bagwis
Tagumpay ng paglipad sadyang kay tamis

Ngunit pag-abot ng pangarap sadyang di madali
Sa daang tatahaki’y may pakikipagtunggali —
Kapalaran sa tao’y madalas mapagbiro
Kung malapit na sa rurok saka nabibigo

At sumubok sa paglipad ang isang saranggola
Matapos ang ilang pagsubok at paglagpak —
Panginoon nyang hangin, sa kanya’y tumugma
Tulad ng nangangarap, babangon sa pagkakadapa

May panahon ang bawat nilalang
Bawat isa sa atin ay may nakalaan
Maaliwalas na araw pagkatapos ng bagyo
Muli’y susubok ilang beses mang mabigo!

Mangarap at Manalig ka…
Tulad ng Isang Saranggola!

Karunungan!
Gamit ang natatanging pisi
Liparin, pinakamatayog na lipad
Abutin ang iyong pinakamimithi
Talino’y gamitin upang ito’y matupad

At sa gayo’y matutunan mong…
Harapin ang kabiguan.
Hamunin ang katauhan.
Gamitin ang kakayahan.
Subukin ibayong katatagan.

Mangarap at Lumipad Ka…
Tulad ng Isang Saranggola!

Written by Kuntilbutil July 2009

Advertisements

August 9, 2009 at 8:10 am 23 comments


KuntilButil – D’ BLAG-ger


Sino si kuntilbutil? Maaring ikaw, sila, o ako. Minsan normal, minsan hindi.

Calendar

August 2009
M T W T F S S
« Jul   Oct »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

KuntilButil’s Posts Archives

Mga Naligaw at Napadaan

  • 21,238