Creative Writing #2 : Tula ng Isang Saranggola

August 9, 2009 at 8:10 am 23 comments

Matagal-tagal na rin nung huli akong sumali sa mga ganito. Nung huli sa isang church songwriting contest ako sumali at nung college days pa ako non.

Naisip nyo na ba ang pagkakapareho ng tao at ng saranggola?

Ito ang aking entry sa Saranggola Blog Awards – Tula , pa-contest ni Mr. Blue

Mangarap at Lumipad Ka!

(Tulad Ng Isang Saranggola)

Katangian!
Ang pangarap — tulad ng saranggola,
Malaki, maliit, simple o magara
Iba-iba man ang sukat, kulay o hitsura
Sila’y papalaot sa himpapawid ng tadhana

At kung ang tao man ay mangarap
Pagdugtungin ang tiis at hirap
Tulad ng pagbuo ng isang saranggola –
Katawa’y pinagtagni-tagning pag-asa

Mangarap at Lumipad Ka …
Tulad ng Isang Saranggola!

Katapangan!
Sapagkat siya’y itinadhana
Na lumipad at langit ay halikan
Abutin ang ulap, makipagsapalaran
Subukin sa himpapawid pumailanlang

Ang taong may mithii’t pangarap
Buo ang loob harapin ang dusa’t hirap
Buong tapang haharapin ang kawalan
Susugal maging anuman ang kahinatnan

Mangarap at Lumipad Ka …
Tulad ng Isang Saranggola!

Katatagan!
Kapag lumipad na ang isang saranggola
Tatag ng kalooban kanyang sandata
Makapangyarihang hangin kanyang bagwis
Tagumpay ng paglipad sadyang kay tamis

Ngunit pag-abot ng pangarap sadyang di madali
Sa daang tatahaki’y may pakikipagtunggali –
Kapalaran sa tao’y madalas mapagbiro
Kung malapit na sa rurok saka nabibigo

At sumubok sa paglipad ang isang saranggola
Matapos ang ilang pagsubok at paglagpak –
Panginoon nyang hangin, sa kanya’y tumugma
Tulad ng nangangarap, babangon sa pagkakadapa

May panahon ang bawat nilalang
Bawat isa sa atin ay may nakalaan
Maaliwalas na araw pagkatapos ng bagyo
Muli’y susubok ilang beses mang mabigo!

Mangarap at Manalig ka…
Tulad ng Isang Saranggola!

Karunungan!
Gamit ang natatanging pisi
Liparin, pinakamatayog na lipad
Abutin ang iyong pinakamimithi
Talino’y gamitin upang ito’y matupad

At sa gayo’y matutunan mong…
Harapin ang kabiguan.
Hamunin ang katauhan.
Gamitin ang kakayahan.
Subukin ibayong katatagan.

Mangarap at Lumipad Ka…
Tulad ng Isang Saranggola!

Written by Kuntilbutil July 2009

About these ads

Entry filed under: Creative Writing, Poetry. Tags: .

Leksyon, Kwentong Kutsero atbp. #4 Leksyon, Kwentong Kutsero, Atbp. #5

23 Comments Add your own

  • 1. bernardumali  |  August 9, 2009 at 8:59 am

    go go go. na add ko na. promote your blog na!

    Reply
  • 2. chi3  |  August 10, 2009 at 5:18 am

    woah ^_^ galing naman! sipag mo magsulat ah! :) good luck sa entry nyo po ^_^ im crossing my fingers xD

    Reply
  • 3. Maribel  |  August 10, 2009 at 5:57 am

    Maganda sya Mare….me dating and bawat linya…hatalang me pinaghuhugutan. Good Luck!

    Reply
  • 4. scarlet19  |  August 10, 2009 at 7:40 am

    nice ^___^
    fave ko ung katapangan ;p
    goodluck! :)

    Reply
  • 5. kuya caius  |  August 10, 2009 at 7:57 am

    weeee! ang ganda ng tula mo ! n_n

    sana may wordpress din ako para matulugan kitang magpromote. n_n

    good luck sa competition! n_n

    Reply
  • 6. hannah  |  August 10, 2009 at 9:00 am

    nice.. ^_^

    goodluck po!! fav ko po ung last part. hehe

    –final_fantasy of japinoy

    Reply
  • 7. Ken (ricecake)  |  August 10, 2009 at 12:12 pm

    NIce! Wala akong masabi. Its inspirational and touching. Sigurado ako na ma iinspire yun mga readers ng poem mo. (^_^)

    Reply
  • 8. hirodayuy  |  August 10, 2009 at 2:09 pm

    waaw! galing naman heheh ang galing mo pala gumawa ng tula.

    Reply
  • 9. bobodollexperiment  |  August 10, 2009 at 3:48 pm

    ang kyut kyut ng tula. pede siya i-publish sa libro na mga pambata. ^__^

    Reply
  • 10. jayeannev  |  August 10, 2009 at 3:51 pm

    naks naman! fave ko yung katatagan part.. ^__^
    galing ah,, gudlak sa contest! hehe.. ili-link ko sa wp ko ah.. XD
    go, go~!!

    Reply
  • 11. ashte  |  August 11, 2009 at 1:18 am

    Galing! ^-^ Ipagpatuloy ang pagsusulat ng tula.
    Mahilig akong magbasa ng tula. Isa sa mga paborito kong website ang highchair.com.ph.

    Reply
  • 12. jeniffer  |  August 11, 2009 at 5:43 am

    That was really good. I have fun reading!

    Reply
  • 13. nightwing  |  August 13, 2009 at 3:54 am

    Hello, just want to say na nabasa ko yung tula mo about kites and it’s comparison with human beings, it was great and lets’ add the fact na nakagawa ka ng ilang tula nun gamit ang mga sagisag ng isang tao, ang galing mo, keep on making poems like that…

    Reply
  • 14. kumi-chan  |  August 13, 2009 at 2:28 pm

    O.O akala ko nung una parang talagang totoong sikat na Filipino author nag-compose. Ikaw pala :D

    Haha! seryoso kambal. O.O di ako nagbibiro. prangka ako pagdating sa pag-criticize. usually pag Filipino ang medium, madalas hindi ako nagagalingan kasi yung mga nababasa ko sa iba, di ko lang masabi sa kanila na walang laman sinulat nila at puro payabangan lang ng nalalamang Filipino words sa diksyunaryo.

    Sayo hindi ganun. pinalabas mo na ang mga simpleng salita ang pinakamsarap laruin pagdating sa mga tula. di kailangan ng mga sobrang arte na salita para lumalim ang ibig sabihin ng tula. O.O

    all in all, sobrang naappreciate ko yung sayo kasi simple lang, pero malalim meaning.

    way to go kambal! XD keep it up! =) pag namental block ka sa pagsulat, tawagan mo ako at sabay tayong mamemental block… XD

    Reply
  • 15. Jospeh a.k.a. : Joe Sanzou  |  August 14, 2009 at 11:41 am

    WoW! ang galing! nice ! :D ayos :D i’m sure may mapupulot silang aral d2 entry mo ba talaga to? sa poem writing cintest? astig! isa ka plang makata. he he keep it up! ayan nag-comment nako. cge see you at the forums. PEACE :D

    Reply
  • 16. Prinsesa ng Drama  |  August 15, 2009 at 1:49 pm

    huwaw! Galing mo naman! Panalo ‘to! ;)
    NICEEE.. :D

    Reply
  • 17. sha  |  August 18, 2009 at 9:19 am

    inspiring nakakauplift yung tula

    Reply
  • 18. bernardumali  |  August 23, 2009 at 7:23 am

    uy, lapit na matapos ang ating kontes. hanggang aug 31 na lang. promote pa tayo!

    Reply
  • 19. livingstain  |  August 25, 2009 at 6:56 am

    at isa ka pala sa mga kalaban ko??? ngayon pa lang binabalaan kita… whahahaha joke lang yon syempre…

    ang ganda ng tula, puro kaalaman at may ritmo… manalo sana ang gawa mo…

    salamat.

    Reply
  • 20. rigne  |  October 12, 2009 at 8:06 am

    astig, ^^ gusto ko ung mensaheng ipinapaabot mo. ^^

    Reply
  • 21. Isang malaking SALAMAT! « hibang  |  October 20, 2009 at 3:08 pm

    [...] 6. [...]

    Reply
  • 22. redzsparrow  |  November 24, 2009 at 3:13 pm

    ui sorry sa late comment (after 10yrs??? hehe) balik na ako japinoy. Inspiring ang poem mo, actually, kasi, ang symbol ko sa sarili ko ay isang saranggola or isang ibong maya. Hehe.. medyo depressed din ako ngayon, ngayon ko lang nabasa message mo, tapos pagkabasa mo sa poem mo… about sa saranggola… parang ayaw talaga akong gawing malungkot ng tadhana.. hahaha

    Reply
  • 23. lorna p. catapang  |  September 26, 2012 at 8:42 am

    ang haba……………………..naku kapag binasa ko payan ng paulit-ulit aabutin ako siguro ng madaling araw pero kahit mahaba ay maganda parin B)

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


KuntilButil – D’ BLAG-ger


Sino si kuntilbutil? Maaring ikaw, sila, o ako. Minsan normal, minsan hindi.

Calendar

August 2009
M T W T F S S
« Jul   Oct »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

KuntilButil's Recent Posts

KuntilButil’s Top Posts

KuntilButil’s Posts Archives

Mga Naligaw at Napadaan

  • 13,029

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: