Archive for March, 2010

Samu’t-Sari #1

#1 No Sound!

Hay nakow! Nagdaan ang Sabado’t Linggo, nagtrabaho ang NO-LIFEr na to… unang araw ng work week at Lunes yon! — dead bat si ipod…

Hayz, ramdam na ramdam ang stress level at the sight of trapik pa lang sa edsa. whoho… “ang init manong ng aircon mo! teka, aircon ba yan o heater?” ang init ng ibinubugang hangin eh! harharhar…

Hayz, na miss ko na naman ang pagkakataong ito na takasan ang nakayayamot na situation sa pamamagitan ng bestfriend kong ipod. Nah, hindi sya kamahalan ano… alam mo naman, di ako masyadong naiimpress gano kamahal ang isang bagay sa presyo na ang basehan ay pera lamang, In other words, kahit ganitong madalas singtigas ng bakal (iron mask ang tawag ata don) ang mukha ko sa unang masungit impression, sentimental din naman to ano! Tinatablan din ng emo.

At nanghawa pa, umpisahan mo sa lahat ng tema ng 70’s – 90’s (halatain na ba ang edad dahil dito?)  Umaga pa lang aariba na ng Aw! yung Dont Stop Til You Get Enough at Smooth Criminal ni Michael Jackson hanggang sa anthem ng I Just Cant Stop Loving YOU (me french at spanish version din ito) … aha, huling huli at dinig ko si ate at kuya.. emong emo sa kanta.

Pero iba itong umagang to. hayz, masahol pa sa sigarilyo ang pangangailangan ko sa bestfriend kong ipod. Nakalimutan ba namang i-charge sa dami ng ginagawa. Hay, Im a big lou-ser (lousy loser!) with matching “L” hand sign. harharhar

Advertisements

March 31, 2010 at 12:07 pm Leave a comment

$$$ Usapang Kaperahan! $$$


Kung ang tao ay puro pera at pera na lang ang iniisip, malamang ang dami na ngang dollar symbol ang nasa loob ng kanilang bungo pag ini-scan ito. Ganito rin kaya magiging chura ng bungo mo???

 

  • Ano ba ang pinagkapareho ng pera at ng mundo? Simple lang. Pareho silang hugis bilog.
  • Kaya paikutin ng pera ang buhay ng tao at ang takbo nito — gawing malinis at dalisay ang bagay na marumi at bulok ; ituwid ang bagay na baluktot o balintuna; bilhin ang katotohanan kapalit ng kasinungalingan.
  • Ang mga kusing na bilog — umiikot-ikot… tulad ng kapalaran ng tao — nasa itaas o ibaba lang ang direksyon. Ang taong maraming pera, paitaas ang ikot ng kapalaran, kabaligtaran naman ng mga taong salat nito — na nakikipagbakbakan maitawid lamang ang kanilang mga pangangailangan.
  • Sa araw araw na ginawa ng Diyos ~~~ na walong oras don ay ginugugol upang kumita ng pera —– me mga oras na tinatanong mo sa sarili mo, bakit ko ba kelangan magtrabaho? Nakakaloko ang tanong di ba? Para kumita ng pera! Bakit kelangan ng pera? Hayyyzzz ang tanong na yan ay napakasimple nang sagutin. Bakit pa nga ba naimbento ang pera?
  • Ano ba ang makakaya mong gawin sa ngalan ng pera? Maraming pagpipilian — una ay ang lumaban ng patas para kitain ito — magpunyagi at kumita sa sariling pawis ng walang tinatapakan o sinasaktang ibang tao. Ang ipuhunan ang sariling talino, kakayahan, pagtitiis at sipag. o di kaya ay ang kabaligtaran — manakit o kumitil ng buhay ng ibang tao … o ipahamak o pagtaksilan kahit ang iyong kadugo o kaanak sa udyok ng inggit at kasakiman.
  • Bagaman madalas syang gamitin bilang instrumento ng kahangalan, kasamaan o kabutihan — Sa akin ayos lang MAHALIN ang pera… wag lang SAMBAHIN ang pera… Malaki ang pagkakaiba di ba?

  • Ang pagmamahal sa pera ay kinakikitaan ng wastong paggasta nito, na naaayon sa iyong pangangailangan o tulong sa iyong kapwa o mahal sa buhay. Iyon ay paraan lamang ng pagpapahalaga sa iyong paghihirap upang kitain ito. Ang isa sa joke na di nakakatawa ay sabihin mong “madali lang naman kumita ng pera!” o kaya “di naman kelangan ng pera, rich kami eh!” harharhar
  •  


    Nakakamanghang isip na ang mga kusing at magaan na papel na ito ay kayang paikutin ang mundo sa kanyang axis, di ba? Tayo na mismong mga tao ang nagkaloob malaking kapangyarihan sa bagay na tinawag na “pera” o “salapi.”

     

  • Iba naman ang kaso ng mga taong ang DIYOS ay PERA. Itinuturing nila na ito ang pinakaimportante sa buhay nila, sapagkat ito ay nagbibigay sa kanila ng malaking kapangyarihan upang gawin ang gusto nila; magbigay ng karapatan na magmataas at magmapuri sa kanilang mga sarili… at manliit o magmatapobre sa mga taong kulang o walang pera. Dahil Diyos nila ay PERA, nakatanim sa kanilang kamalayan na inangkin na nila ang buong mundo at ito ay pinaiikot lamang nila sa kanilang mga palad.
  • Sa totoo lang, tao na rin me kasalanan kung bakit makasalanan ang pera. Simple lang. Kung sa mabuti mo ginamit, mainam o mabuti ang pera, kung sa masama , masama rin ang pera. Sa halip na hayaan nating gamitin at paikutin tayo ng pera, tayo ang dapat kumontrol at gumamit dito nang wasto. O, hanggang dito na muna, gagawa lang na muna ng pera yung may-akda. ^_^

March 5, 2010 at 12:11 pm 1 comment


KuntilButil – D’ BLAG-ger


Sino si kuntilbutil? Maaring ikaw, sila, o ako. Minsan normal, minsan hindi.

Calendar

March 2010
M T W T F S S
« Feb   May »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

KuntilButil’s Posts Archives

Mga Naligaw at Napadaan

  • 21,084