Samut-Sari #2 : Sent-Emo

  1. Sent-Emo galing sa dalawang salita —  Sentimiento at Emosyon o Emo sa salitang balbal.
  2. Senti + Emo = Sent-Emo — Sent-Emo – yung madala ka ng isang kantang nakakarelate ka;
  3. O di kaya yung mga sappy love stories na napapanod mo, mas emong-emo ka pa dun sa bida….
  4. Pag nakasalang na ang song na me sala ng iyong LSS,  sa radio airwaves, o di kaya nasa playlist ng computer mo, daig mo pa ang tunay na vocalist sa pag second voice ng kanta…
  5. Yung mga movie na paulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit mang panoorin, halos kabisado mo na ang dialog at linya, inaadik at ginagawa mong status messages yung mga quotes at dialogue ng mga ito sa ym man, facebook, etc…
  6. … Na para namang feeling mo rin me sumusubaybay sa sente-mo mong status message.. online stalking ng iyong ex o di kaya ng taong me hd sayo (hidden desire) o feeling mo me hd sayo … nyahahaha
  7. Magkaganun pa man, kanya kanyang trip pa rin yan… kung gusto mo tumawa ka habang nagagalit; o di kaya masamid ka habang nahahatsing; (saket non ah, nangyari sa akin yun!) o matulog ng nakabitin nang patiwarik sa lubid… kanya kanyang style lang ng sente-emo yan.. in short, walang pakialamanan! Nag-eemo ang tao eh … harharhar… Moment ko ‘to eh! Bakit ka ba nangingialam?! nyahahaya…
  8. Sente-mo rin malamang yung nakatingala ka sa langit o di kaya ang layo ng vision mo… yung tipong tumatagos sa mga pader at bakal… tapos at the end of it, mapapaisip ka, ano nga ba ang iniisip ko? harharhar… Remember dahil Sente-mo state ka, hindi ka nag-iisip.. ikaw ay nag-e-EMO. Yung mga tipong binabalik balikan mo yung mga ala-ala ng nakaraan Looking Back… ba… (naks, me ganong factor) at deep down inside, marami kang regrets ~~ dapat ganito, dapat ganon, di dapat nangyari ito… at kung meron kang pagkakataon na makasakay sa time machine, mabilis pa sa alas-kwatrong sasakay ka rito pabalik sa nakaraan para ibalik,wag gawin , o baguhin yung chaotic experience na yun at i-undo ito gaya ng microsoft word documents… harharhar
  9. Sente-mo rin yung nakiki-empathize ka sa kamalasan, kabiguan, o galit ng iba… feeling mo relate na relate ka at mas galit ka pa dun sa taong involve… harharhar… kasi nga, nag-eemo ka na, sapul din yung mga personal issues mo at naaalala mong lahat yun pag naririnig o nakakasaksi ka sa sentimiento o problema ng iba o ng mga taong kakilala mo.
  10. At sente-mo ring matatawag kung binabasa mo ang kapirasong adik na post na to. at naka-relate ka rin. Sapul!
Advertisements

May 16, 2010 at 3:23 am 3 comments

Samu’t-Sari #1

#1 No Sound!

Hay nakow! Nagdaan ang Sabado’t Linggo, nagtrabaho ang NO-LIFEr na to… unang araw ng work week at Lunes yon! — dead bat si ipod…

Hayz, ramdam na ramdam ang stress level at the sight of trapik pa lang sa edsa. whoho… “ang init manong ng aircon mo! teka, aircon ba yan o heater?” ang init ng ibinubugang hangin eh! harharhar…

Hayz, na miss ko na naman ang pagkakataong ito na takasan ang nakayayamot na situation sa pamamagitan ng bestfriend kong ipod. Nah, hindi sya kamahalan ano… alam mo naman, di ako masyadong naiimpress gano kamahal ang isang bagay sa presyo na ang basehan ay pera lamang, In other words, kahit ganitong madalas singtigas ng bakal (iron mask ang tawag ata don) ang mukha ko sa unang masungit impression, sentimental din naman to ano! Tinatablan din ng emo.

At nanghawa pa, umpisahan mo sa lahat ng tema ng 70’s – 90’s (halatain na ba ang edad dahil dito?)  Umaga pa lang aariba na ng Aw! yung Dont Stop Til You Get Enough at Smooth Criminal ni Michael Jackson hanggang sa anthem ng I Just Cant Stop Loving YOU (me french at spanish version din ito) … aha, huling huli at dinig ko si ate at kuya.. emong emo sa kanta.

Pero iba itong umagang to. hayz, masahol pa sa sigarilyo ang pangangailangan ko sa bestfriend kong ipod. Nakalimutan ba namang i-charge sa dami ng ginagawa. Hay, Im a big lou-ser (lousy loser!) with matching “L” hand sign. harharhar

March 31, 2010 at 12:07 pm Leave a comment

$$$ Usapang Kaperahan! $$$


Kung ang tao ay puro pera at pera na lang ang iniisip, malamang ang dami na ngang dollar symbol ang nasa loob ng kanilang bungo pag ini-scan ito. Ganito rin kaya magiging chura ng bungo mo???

 

  • Ano ba ang pinagkapareho ng pera at ng mundo? Simple lang. Pareho silang hugis bilog.
  • Kaya paikutin ng pera ang buhay ng tao at ang takbo nito — gawing malinis at dalisay ang bagay na marumi at bulok ; ituwid ang bagay na baluktot o balintuna; bilhin ang katotohanan kapalit ng kasinungalingan.
  • Ang mga kusing na bilog — umiikot-ikot… tulad ng kapalaran ng tao — nasa itaas o ibaba lang ang direksyon. Ang taong maraming pera, paitaas ang ikot ng kapalaran, kabaligtaran naman ng mga taong salat nito — na nakikipagbakbakan maitawid lamang ang kanilang mga pangangailangan.
  • Sa araw araw na ginawa ng Diyos ~~~ na walong oras don ay ginugugol upang kumita ng pera —– me mga oras na tinatanong mo sa sarili mo, bakit ko ba kelangan magtrabaho? Nakakaloko ang tanong di ba? Para kumita ng pera! Bakit kelangan ng pera? Hayyyzzz ang tanong na yan ay napakasimple nang sagutin. Bakit pa nga ba naimbento ang pera?
  • Ano ba ang makakaya mong gawin sa ngalan ng pera? Maraming pagpipilian — una ay ang lumaban ng patas para kitain ito — magpunyagi at kumita sa sariling pawis ng walang tinatapakan o sinasaktang ibang tao. Ang ipuhunan ang sariling talino, kakayahan, pagtitiis at sipag. o di kaya ay ang kabaligtaran — manakit o kumitil ng buhay ng ibang tao … o ipahamak o pagtaksilan kahit ang iyong kadugo o kaanak sa udyok ng inggit at kasakiman.
  • Bagaman madalas syang gamitin bilang instrumento ng kahangalan, kasamaan o kabutihan — Sa akin ayos lang MAHALIN ang pera… wag lang SAMBAHIN ang pera… Malaki ang pagkakaiba di ba?

  • Ang pagmamahal sa pera ay kinakikitaan ng wastong paggasta nito, na naaayon sa iyong pangangailangan o tulong sa iyong kapwa o mahal sa buhay. Iyon ay paraan lamang ng pagpapahalaga sa iyong paghihirap upang kitain ito. Ang isa sa joke na di nakakatawa ay sabihin mong “madali lang naman kumita ng pera!” o kaya “di naman kelangan ng pera, rich kami eh!” harharhar
  •  


    Nakakamanghang isip na ang mga kusing at magaan na papel na ito ay kayang paikutin ang mundo sa kanyang axis, di ba? Tayo na mismong mga tao ang nagkaloob malaking kapangyarihan sa bagay na tinawag na “pera” o “salapi.”

     

  • Iba naman ang kaso ng mga taong ang DIYOS ay PERA. Itinuturing nila na ito ang pinakaimportante sa buhay nila, sapagkat ito ay nagbibigay sa kanila ng malaking kapangyarihan upang gawin ang gusto nila; magbigay ng karapatan na magmataas at magmapuri sa kanilang mga sarili… at manliit o magmatapobre sa mga taong kulang o walang pera. Dahil Diyos nila ay PERA, nakatanim sa kanilang kamalayan na inangkin na nila ang buong mundo at ito ay pinaiikot lamang nila sa kanilang mga palad.
  • Sa totoo lang, tao na rin me kasalanan kung bakit makasalanan ang pera. Simple lang. Kung sa mabuti mo ginamit, mainam o mabuti ang pera, kung sa masama , masama rin ang pera. Sa halip na hayaan nating gamitin at paikutin tayo ng pera, tayo ang dapat kumontrol at gumamit dito nang wasto. O, hanggang dito na muna, gagawa lang na muna ng pera yung may-akda. ^_^

March 5, 2010 at 12:11 pm 1 comment

Valentine’s Day !

Uh-uh… tawagin na lang natin syang si Ms. Sungit. Bagamat di sya masasabing batikan sa larangan ng pag-ibig,– in fact isa siya sa nangungunang miyembro ng Kapisanan ng mga NBSB(No Boyfriend Since Birth) sa Pilipinas, nakapagtatakang may mga mangilan-ngilang tao ang humihingi ng kanyang opinyon at at.. at.. AT!!! PAYO???!!!! sa kanya pagdating sa problema sa puso– yung tinatawag na pag-ibig.

Natatawa na lang sya kasi bakit sa kanya hihingi ng payo o opinyon sa bagay na hindi pa nya naranasan o nasuungan kahit minsan sa buhay nya. Ayaw pa naman nya yung masisi kung ang naging resulta ng payo nya ay napasama kaysa napabuti.

Sabi ni Ms. Sungit : “Ill lend you my listening ear and give you my broad shoulders to cry on, but when it comes to the matters of the heart — dont trust on my advices too much because love is never a game i had an experience to play,” In other words, ask for a second opinion galing sa mga taong nakaranas na. They might know better. Ika nga, pansamantalang remedy lang sa “sakitsa puso” yung opinyon o payo na maririnig mo sa kanya. Parang “If symptoms persist, consult your doctor!” ang dating.

Sabi rin ni Ms. Sungit, kahit NBSB member sya, hindi naman ibig sabihin non ganon sya kashonga-shonga o ignorante sa rabu-rabu (love-love) na yan. Me mga basihan ang kanyang observations at malapit yon sa katotohanan na ginagalawan ng mga tao sa pesteng layf na ‘to. Ipagpalagay natin na kumbaga sa horoscope nasa at least 70-75% passing rate na accurate ang observations nya…

Bits and pieces galing kay Ms. Sungit tungkol sa viewpoint nya about Valentines — Una, nung elementary sya, first time syang pinagawa ng Heart shape cutout galing sa pulang kartolina, yun bang ang aktibidades sa school, gugupit ka ng heart shape tapos lalagyan mo to ng design… pang decorate sa room pag valentines. First time na hindi rin alam ni Ms. Sungit nung elementary school sya ang tamang SPELLING NG VALENTINES DAY. Ang naisusulat nya madalas non sa design ng heart shaped cutout ay “HAPPY VALENTIMES DAY” haha. Natawa ako, ayos talaga si Ms. Sungit. Later nakatuwaan nyang isipin na parang sinadya raw ata ng tadhana na magkamali sya ng spell out ng VALENTINES. Bakit daw? Ito ang pilosopo nyang sagot…

Valentines Day, parang yung celebration daw nito, pana-panahon lang. Every Feb. 14 lang! Ah. tama sya. so VALENTIMES — TIME, VALEN-TIME.. So .. ayun.. haha. Pwede nang palusot yun sa simple nyang misspell ng word na Valentines.

So hanggang dyan na lang na muna ang kwento kay Ms. Sungit.

February 6, 2010 at 12:45 pm 2 comments

2010 Grammy Awards

Napanod ko kailan lang ang primetime broadcast ng ginanap na Grammy Awards sa Solar 9, (dating Ch. 9 o RPN 9). Sa tagal ko nang di nakakapanood ng mga foreign music awards, napahanga talaga ako sa mga bonggang production ng mga batikang singers and record producers gaya nina Beyonce, Taylor Swift, Pink, Green Day, Celine Dion, Jennifer Hudson, Carrie Underwood, Black EyedPeas, Lady Gaga, Usher,Bon Jovi, Andrea Bocelli at marami pa.

Antipatika/maldita ang dating ng babaitang to for me, but oh, well...

Wala akong ibang nasabi kungdi “Ang Galing!” Sa medley performance ni Beyonce, wala talaga maipintas sa singing prowess ng isa sa itinuturing na hottest diva sa US.

Di rin nagpatalo si Pink, na gumawa ng mga acrobatic exhibitions sa ere at talagang me talent rin pala sya sa pagiging isang aerialist! Nakaka emo yung kanta nya at mararamdman mo talaga yung bigat ng message ng song.. habang bumibitin bitin at umiikot ikot sya sa ere!!! My gas, tinitingnan ko nga kung nahilo sya pagbaba eh. Wala akong makitang sign na gumewang ang binti nya pagbaba haha. Professionally done.Ang sexy ng kanyang outfit na kasing nipis na lang ng balat, as if portraying the freedom and liberty of being an artist.

Oh, tingnan ko lang kung di ka mahilo matapos magpabitin-bitin sa ere nang kumakanta at basa.... Oh my, skimpy talaga ng suot nya >_<

Ang cool din ng performance ng Black Eyed Peas sa futuristic-themed nilang “I got A feeling” performance.

Ang inantabayanan ko rin yung tribute kay Michael Jackson nina Usher, Celine Dion, Jennifer Hudson, at Carrie Underwood. Me ilang video clips ng “Earth Song” na kinuha from This is It DVD ang naiflash dun sa malaki nilang screen sa stage. Receiving the award of appreciation in behalf of their father, Michael Jackson were Paris and Prince Michael.

Receiving the awards in behalf of their late father

Naalala ko tuloy yung panghihinayang sa pagkawala ng isang music icon. Hay, dami pa sana nyang makakasama sa collaborations na magagaling na singers at this generation.. Sayang talaga.

Isa rin yung napanood ko yung play by request na performance ng group na Bon Jovi. Hay IDOL!!! din to haha.

Sa gitna ng matamlay na ekonomiya ng amerika, nakakatuwang isipin na marami paring magagaling na singers ang nakagagawa ng magagandang tunog at himig.

After all, music and love for it is one of the best gifts, di ba?

PS: May ugong o nabasa akong balita na di pa na-confirm from the time I heard it, na ire-remake ata yung “We are the World” na originally composed by Lionel Richie and Michael Jackson. I heard kasama si Celine Dion sa magpe perform ng song.

February 6, 2010 at 12:15 pm Leave a comment

Grrrr…! #1

Why your opinion matters? Either you’re somebody with a big name or you got a point.

Stop talking nonsense or else your words just go to waste if nobody’s interested in what you’re saying.

 

And if there should be strict law that the universe came up with regarding “expressing opinions” your words or opinion DO matter IF and ONLY IF :

 

1. They contribute high level of awareness and knowledge for the benefit of “human” being OR what we call MAJORITY

If your intention of expressing your opinion is nothing but insulting purpose; badmouthing; falsely criticizing without giving benefit of doubt; ridiculing or bashing someone’s disability or incapacity; Marring someone else’s reputation WITHOUT EVEN CONSIDERING WHAT YOU REALLY SHOULD KNOW ABOUT THE ISSUE : BETTER SHUT THE F-k UP.

There’s just one good purpose why highly intelligent animals such as “humans” are given with a gift to talk : that is expressing the thoughts WITH THE OBJECTIVE TO IMPROVE SOMEONE, SOMETHING OR EVERYTHING. Not to ridicule them for your own entertainment. Mind you.

And if anyone who is proven to be guilty of violating ONE and ONLY law, May karma be WITH YOU. And youll just know how painful it is to be backstabbed and realize how hurtful to you what you are doing to others.

More liter of English Nosebleeds Here. Where’s the tissue?.

January 13, 2010 at 2:38 am Leave a comment

Leksyon, Kwentong Kutsero, Atbp. #6

Gising Na! 2010 Na! Isang Pang New Year na Post (Kuno)

Image courtesy of freedigitalphotos.net

  1. Matapos magkabagyuhan at magkalaslasan ang mga bulsa dala ng katakut takot na aberya at ondoy-pepeng ng nagdaang taon, eto na, eto na!! ang unang post ko sa taong ito. Actually, masabi lang na hindi naabandona sa cyberspace ang tambayan ni kuntilbutil. Eto, sumulat ako ng una kong post. Harharhar.. mabigat isiping pati ang pook sapot na ito ay tuluyan nang tetengga ng matagal dahil lang kay ondoy at pepeng nyahahaha… marami lang talagang ginawa..
  2. kaugnay ng naunang puntos, actually, ito na yata ang isa sa walang katorya-torya kong posts, sa loob ng ilang buwang aandap – andap at madalang pa sa patak ng ulang update ng pook sapot na to, (aba tagalog nosebleed ‘to this time!) bakit kanyo walang kwenta? Wala lang. Wala lang talaga syang kwenta. Harharhar. Hindi kidding aside, walang format eh! Ah Kaya! hindi ko nga maikategorya ito sa regular na posts tag o category, kasi nga, anything goes.
  3. Komo nga walang format ang post na ito, ironic isipin na ang daldal daldal na naman ng isip ko. Balikan ang unang puntos bakit naisulat ang post na ito—muling nabuhay panamantala ang matabil na isipan ni kuntilbutil matapos ngang magkabagyuhan at magkalaslasan ang bulsa. Looking back at the past year, and summing everything up at what happened, It’s in the scale of 5/10 – kalahati ay puno ng challenge at kunsumisyon at kalahati naman me swerte pa rin. Di na masama?
  4. Year of the Tiger pala ngayong taon. Di kaya mas dumami ang maiinit ang ulo na mga tao ngayon kumpara ng nagdaang taon? (Year of the Cow, di ko ata makakalimutan ang nagdaang taong ito!) Asa naman ako na sana mas maging ok ang taon na ‘to kaysa dun sa sinundan. Tama! Asa na lang tayong lahat harharhar… Wala namang portable na time machine na pwede gamitin para masilip natin ang hinaharap na gaya ng ginagawa nating pagpindot ng Fast Forward button sa remote control ng dvd player… harharhar. – in other words, ginagawa natin ang lahat ng dapat gawin sa kasalukuyan hanggat me pagkakataon pa at anuman ang kahihinatnan sa hinaharap, iyon ay bunga lamang ng lahat ng pinaggagawa natin sa mga oras na nanatili sa ating mga palad.
  5. Di masyado nakapaggala ng vacation week. Wala lang. Kinulang sa energy harharhar. Ang adik talaga ng unang post na to.
  6. Nakakanerbiyos at nakakatakot nang kaunti ang mangyayari this year, masyadong personal hehe. Ang masasabi ko lang, nagsabay sabay nang lahat ng priorities!!! Sige pa, lahat kayo tumambak sa #1 spot !!! at di na nga ako magkandaugaga dito ho! Ho! ho! (tapos na pala ang Christmas, di tugma ang tawang santa claus) Har har har na lang !!!
  7. Pero ganito naman talaga ang buhay, ituring na lang lahat ng hirap mo ngayon ay isang form ng investment, sa madaling salita, aanihin mo rin lahat ng hirap at sikap na ginagawa mo ngayon, wag lang masyadong pakaasa na matutupad lahat ng goals, kahit yung ilang pinaka importante na lang. You know – limitation. At sa dahilang maraming mangyayari sa buhay mo na di inaasahan ang magpapabago sa takbo ng plano mo. Magkaganunman at di lahat ng goals na reach —  Importante kahit pano, me napala, kesa  butata!
  8. Ilang gabing di mapagkatulog at ilang sakit na naman ng ulo kaya ang dadaan ngayong taon? Harharhar. Nakakatakot talaga, kung busy kami ng nakaraang taon, mukhang triple itong susunod! Ahoho… anyway, highway.
  9. Kaugnay ng ikawalong puntos, buti na lang talaga at nilikha ng Diyos ang gabi. Maraming pagkakataon marahil sa buhay ng isang tao, hindi nabibigyan ng pasasalamat ang mga gabi sa buhay nya na maipapahinga nya ang sariling isip at katawan—buhat sa isang buong araw ng episode ng buhay niya kung saan nakikipagbakbakan sya para mabuhay. Kung nilikha ang oras ng paggawa, iyon ay marahil nilikha rin ang oras ng pagpapahinga. Cycle lang talaga.
  10. Kaugnay rin ng ika syam na puntos, kung ikaw ay isang tao na nakakatulog ng mahusay sa gabi, sa harap ng maraming suliraning kinakaharap, aba maswerte kang nilalang! Gaya ng tunay na kaligayahan at kalusugan, hindi basta nabibili ng salapi ang isang mahimbing na tulog sa gabi.

Alay ko ang ilang linya ng taludtod na ito sa ikasampung puntos :

Isang Maikling Tula Alay sa Araw At Gabi

Dalawamput apat na oras, inialay sa isang araw

Labing dalawa kay haring gabi, labing dalawa kay haring-araw;

Bukang liwayway si haring araw, liwanag at buhay sa lahat ng nilalang

Matapos ng takip silim, sisilip na si haring buwan, tatanglawan at gagantimpalaan

Lahat ng nahihimbing at namamahinga upang harapin ang bagong araw.

Happy New Year sa Lahat!

January 2, 2010 at 9:19 am 1 comment

Older Posts Newer Posts


KuntilButil – D’ BLAG-ger


Sino si kuntilbutil? Maaring ikaw, sila, o ako. Minsan normal, minsan hindi.

Calendar

December 2018
M T W T F S S
« Oct    
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

KuntilButil’s Posts Archives

Mga Naligaw at Napadaan

  • 21,238