Posts tagged ‘kwentong kutsero’

Leksyon, Kwentong Kutsero atbp #7

#1 Tatanda (Na Naman!)


Whoa. Mag-iisang taon na nakaraan at dalawang tulog na lang buhat ngayon. Tatanda na naman ako. Buti pa ata yung unang post na ginawa ko nakaraang taon — iyon na ang unat huling magjo journal ako ng tungkol sa araw ng aking kapanganakan harharhar.

Nawala sa hinagap ko kasi e taun taon nga pala ako gagawa ng post tungkol sa aking Bday-D(Dedma)-Day, (At taun taon ding tatanda!) Tsk. wala na dedma na talaga harharhar.

Mas naging interesado pa nga ang ibang tao at kaibigan ko kung anong araw tatapat yun at kung ano ang balak ko gawin, ang sagot ko : “Anong araw ba tatapat yon? Martes?!” At talagang dinedma na ang birthday celebration! Wala na talagang pakialam harharhar. Tanungin ba sa ibang tao anong araw tatapat ung D(edma)-Day.

“Ilang taon ka na?,” Pang-asar na tanong ng katropa ko. Aba e wag kang bastos ah! Hindi kita ililibre! Nyahaha. Araw ko to. Sa ayaw man o sa gusto nyo, Moment ko to! Walang kontrapelo!

Sa ngayon, looking back (naks) kung eevaluate ko ang mga nangyaring challenges at fulfillment nung nakaraang taon, Napakarami ko talaga pa ring dapat ipasalamat sa Diyos. Me nangyayaring improvement at me mga blessings na dumating ngayong taon.

Nung una kong ginawa ang Happy New Year 2010 post, 2009 had a lot of hardship and challenges. Mahirap. 2010 , this year and month where my birthday falls, halfway of this year, Safe na ba sabihin na yakang yaka na ang the rest of the year at bobongga nang husto ang pagabot sa mga goals? Hmm.. I hope so, and praying so.

Isa lang masasabi ko, mas mahirap ang naging challenge ngayong taon pero at least me blessing sa side ng career ako natanggap, Isang career goal ko for this year ang napaaga ng dating. (at di ko inaasahan ang aga) then sa personal side, yung project ko para sa bahay, etc… healthcare awa ng Diyos naitawid.

Yung lovelife? Akin na lang yun. :p harharhar. Ipabahala na lang kay batman. Ang hirap eh. Basta para sa akin, Love is Business. Like a business, you need to take care of, have a plans for, and a lot of knowledge, discernment, PATIENCE and preparations. It will take much of your personal time. But one thing is for sure, You need it. like air and money. (weh? di nga)  But all waiting, loving, time and effort you spend on the RIGHT person — it will all BE worth it. Dont rush things. Malalim daw matinik ang naglalakad ng matulin. Just how right is the RIGHT person ? Parang quiz to mga ate at kuya, Your logic and feeling will know ^_^

O awat na sa topic ng Love. Wala pa rin ako makitang kandidato. And please lang, sa naligaw magbasa nito. Walang anuhan ah. Ive never been into relationships due to my personal situations or living setup (di sa ako eh alien na taga-mars at nangi-squatter lang sa planetang to) Basta. Time and Effort were the issue yun yun.

Me mga naencounter kasi akong mga tao na nagiging basehan ng attractiveness nila yung dami ng nakarelasyon nila. Opinyon nila yun and I respect that. Ang di ko lang ma-gets, bakit nila pipilit yung opinyon nila on “love and attractiveness” in their OWN point of view sa IBANG tao?

Na para bang ang chura mo kasi di pang homo sapiens kasi wala ka pa naging bf? Wag ganon. See all aspects — ALL the Why, What of an issue. Ang sinasabi ko rito yung nagbibigay ng komento na para bang alam na alam na nila lahat ng side ng story ng isang taong never been into relationship, minsan to the point na they ridicule it? Hindi ko alam. Over sensitive lang ba ako? Tapatan naman. I find it a bit offensive. Tulad nga ng sabi ko it’s based on person’s decision or maybe the situation me rason ang lahat ng bagay.

Kung ito ang viewpoint mo, so be it. Dont make such rash comments or feedbacks, AND UNSOLICITED/UNWANTED advice OR criticism — maging relationships man yan — pointing to someone’s shortcomings. (e baka nga hindi shortcoming un sa part ng tao, me limitations or restraints lang talaga sya or issues)  Kasi it will be very very offensive. Lalo na kung kelangan lang ng taong yun ang makikinig sa kanya, hindi yung pipintasan, sisisihin, o huhusgahan agad sya ng mali. He can learn on his own. He just needs TIME.

O awat na talaga to. Nake keri na ako ng emo pag natouch tong aspect na to. Based on experienced kasi eh harharhar…

O ayun. Bahala na sa araw ng D-day. Sana I could find the peace and  happiness Ive been longing for, na nawala for almost seven months na rin. Sa aadik-adik na work life situation.

Gusto ko magtransform na isang witch at isigaw : “Ibalik nyo ang oras ko!!!!! Hi Hi Hi Hi!!!!” Habang hawak hawak ang isang magic wand at gumagawa ng ritwal.

Whatever. Ito ang mundo ng mga yuppies. Ang malunod sa minsan nakakafulfill at nakakasawang sakit ng corporate life.

Gusto ko rin minsan itigil na muna ang pag-iisip. Break! Break! Magpalaboy laboy ang diwa spontaneously at maenjoy lang sa oras na dumaraan sa palad ko sa ngayon. Posible pa ba yon? Ako hindi ko rin alam ^_^

Goodluck na lang sa akin. Two days from now.

#2 Ang Itik sa Tailor Shop


Blame it on the darn traffic. At sa katabilan ng isip ni kuntilbutil. Pag trapik, nakikita ko ang mga weirdong bagay. Ang bulate na tumatawid sa kalye, Minsan uod din (Yak) Ang weird dito, sa dami ng beses ako naka encounter ng uod at bulate sa kalye, wala pa ako nakikitang nasasagasaan isa man sa kanila! XD

Madalas rin ako magtabi ng mga naliligaw na kuting, o maliliit na pusa sa kalye kapag naglalakad ako imbes na sumakay sa dalas ng trapik. Nakakaawa kasi eh baka masagasaan. Last week, 2 kuting na cute na cute ang nadaanan ko, nilagpasan ko na sila kaya lang hindi ko natiis na balikan para ilayo sila sa gilid ng highway kasi baka masagasaan. Hindi na ako naging conscious na nakapang office attire ako.

Lately, na aamuse talaga ako sa kawirduhan ng nakikita ko sa isang tailor shop dun sa highway. Me itik! Sabi ko, “Ano naman kaya ang ginagawa ng itik na to na nakatambay at nagsa sight seeing sa tailor shop?!!!!” Aba ayos to ah. harharhar. Ewan ko ba. hindi ko rin mapigilan matawa sa kawirduhan nato.

Matamang minamasdan ng kulay tsoklateng itik ang nagdadaanang sasakyan na halos hindi na gumagalaw sa trapik. Kalmado at tila isang haciendero na tinitingnan maigi ang lawak ng kanyan lupain. Buhat non, nakaugalian ko nang antabayanan na tila isang episode ng paboritong koreanobela o jdrama ang pagdisplay ng itik na ito sa loob o paligid mismo ng tailor shop na malapit sa highway.

Minsan, nung gabi pauwi na ako ng bahay sakay ng tryicycle galing office, nakita kong nakasuot ng telang pula na tila damit nito at nakikipaglaro sa isang bata. Ito ata ang amo ng itik na yun eh. Ahahaha. Playing and bonding time nila siguro.

The next night — me isang grupo ng kalalakihan na nag-iinuman,  malapit sa paligid ng tailor shop. Kinabahan at nangamba ako, nakow, baka ginawa nang pulutan yung itik! >_< Di ko alam ba’t affected ako haha. Medyo nalungkot ako. Kaya siguro pinapalaki yung itik na yun gagawin syang pulutan ng mga maglalasing ngayong gabi na to…

Nung kinaumagahan, naalala ko na naman sulyapan ng mabilisan habang nakasakay sa tricycle papasok ng office yung tailor shop. Naalala ko naging pulutan yung itik kagabi. Nang mabigla ako, ayun! andun sya! Kumakain! harharhar May kung anong tuwa at ligaya ang naramdaman ko at para akong nabunutan ng tinik na hindi naging pulutan ang kawawang itik nung kinagabihan na yun. Ayun o! Alive and Kickin’ ! Harharhar.

At nung gabi pagdaan ulit ng sinasakyan ko pauwi ng bahay from office, nakita ko na naman ung bata, kalong yung itik! nakaupo yung bata sa  semento malapit sa highway sa tapat mismo ng tailorshop kung san ko unang nakita yung itik.

Ewan ko ba. But i find those weird things funny. Siguro dala lang ng walang magawa at nabuburyong na isipan kaya ayun, ang pagsilip sa itik papunta at pauwi ng bahay galing office ang isa sa inaabangan ko araw araw… ^_^
Advertisements

July 18, 2010 at 5:49 am Leave a comment

Leksyon, Kwentong Kutsero, Atbp. #6

Gising Na! 2010 Na! Isang Pang New Year na Post (Kuno)

Image courtesy of freedigitalphotos.net

  1. Matapos magkabagyuhan at magkalaslasan ang mga bulsa dala ng katakut takot na aberya at ondoy-pepeng ng nagdaang taon, eto na, eto na!! ang unang post ko sa taong ito. Actually, masabi lang na hindi naabandona sa cyberspace ang tambayan ni kuntilbutil. Eto, sumulat ako ng una kong post. Harharhar.. mabigat isiping pati ang pook sapot na ito ay tuluyan nang tetengga ng matagal dahil lang kay ondoy at pepeng nyahahaha… marami lang talagang ginawa..
  2. kaugnay ng naunang puntos, actually, ito na yata ang isa sa walang katorya-torya kong posts, sa loob ng ilang buwang aandap – andap at madalang pa sa patak ng ulang update ng pook sapot na to, (aba tagalog nosebleed ‘to this time!) bakit kanyo walang kwenta? Wala lang. Wala lang talaga syang kwenta. Harharhar. Hindi kidding aside, walang format eh! Ah Kaya! hindi ko nga maikategorya ito sa regular na posts tag o category, kasi nga, anything goes.
  3. Komo nga walang format ang post na ito, ironic isipin na ang daldal daldal na naman ng isip ko. Balikan ang unang puntos bakit naisulat ang post na ito—muling nabuhay panamantala ang matabil na isipan ni kuntilbutil matapos ngang magkabagyuhan at magkalaslasan ang bulsa. Looking back at the past year, and summing everything up at what happened, It’s in the scale of 5/10 – kalahati ay puno ng challenge at kunsumisyon at kalahati naman me swerte pa rin. Di na masama?
  4. Year of the Tiger pala ngayong taon. Di kaya mas dumami ang maiinit ang ulo na mga tao ngayon kumpara ng nagdaang taon? (Year of the Cow, di ko ata makakalimutan ang nagdaang taong ito!) Asa naman ako na sana mas maging ok ang taon na ‘to kaysa dun sa sinundan. Tama! Asa na lang tayong lahat harharhar… Wala namang portable na time machine na pwede gamitin para masilip natin ang hinaharap na gaya ng ginagawa nating pagpindot ng Fast Forward button sa remote control ng dvd player… harharhar. – in other words, ginagawa natin ang lahat ng dapat gawin sa kasalukuyan hanggat me pagkakataon pa at anuman ang kahihinatnan sa hinaharap, iyon ay bunga lamang ng lahat ng pinaggagawa natin sa mga oras na nanatili sa ating mga palad.
  5. Di masyado nakapaggala ng vacation week. Wala lang. Kinulang sa energy harharhar. Ang adik talaga ng unang post na to.
  6. Nakakanerbiyos at nakakatakot nang kaunti ang mangyayari this year, masyadong personal hehe. Ang masasabi ko lang, nagsabay sabay nang lahat ng priorities!!! Sige pa, lahat kayo tumambak sa #1 spot !!! at di na nga ako magkandaugaga dito ho! Ho! ho! (tapos na pala ang Christmas, di tugma ang tawang santa claus) Har har har na lang !!!
  7. Pero ganito naman talaga ang buhay, ituring na lang lahat ng hirap mo ngayon ay isang form ng investment, sa madaling salita, aanihin mo rin lahat ng hirap at sikap na ginagawa mo ngayon, wag lang masyadong pakaasa na matutupad lahat ng goals, kahit yung ilang pinaka importante na lang. You know – limitation. At sa dahilang maraming mangyayari sa buhay mo na di inaasahan ang magpapabago sa takbo ng plano mo. Magkaganunman at di lahat ng goals na reach —  Importante kahit pano, me napala, kesa  butata!
  8. Ilang gabing di mapagkatulog at ilang sakit na naman ng ulo kaya ang dadaan ngayong taon? Harharhar. Nakakatakot talaga, kung busy kami ng nakaraang taon, mukhang triple itong susunod! Ahoho… anyway, highway.
  9. Kaugnay ng ikawalong puntos, buti na lang talaga at nilikha ng Diyos ang gabi. Maraming pagkakataon marahil sa buhay ng isang tao, hindi nabibigyan ng pasasalamat ang mga gabi sa buhay nya na maipapahinga nya ang sariling isip at katawan—buhat sa isang buong araw ng episode ng buhay niya kung saan nakikipagbakbakan sya para mabuhay. Kung nilikha ang oras ng paggawa, iyon ay marahil nilikha rin ang oras ng pagpapahinga. Cycle lang talaga.
  10. Kaugnay rin ng ika syam na puntos, kung ikaw ay isang tao na nakakatulog ng mahusay sa gabi, sa harap ng maraming suliraning kinakaharap, aba maswerte kang nilalang! Gaya ng tunay na kaligayahan at kalusugan, hindi basta nabibili ng salapi ang isang mahimbing na tulog sa gabi.

Alay ko ang ilang linya ng taludtod na ito sa ikasampung puntos :

Isang Maikling Tula Alay sa Araw At Gabi

Dalawamput apat na oras, inialay sa isang araw

Labing dalawa kay haring gabi, labing dalawa kay haring-araw;

Bukang liwayway si haring araw, liwanag at buhay sa lahat ng nilalang

Matapos ng takip silim, sisilip na si haring buwan, tatanglawan at gagantimpalaan

Lahat ng nahihimbing at namamahinga upang harapin ang bagong araw.

Happy New Year sa Lahat!

January 2, 2010 at 9:19 am 1 comment

Leksyon, Kwentong Kutsero, Atbp. #5

#1 At Tinamaan Ng… Ondoy !!!

Image courtesy of : http://cache.boston.com/

Image courtesy of : http://cache.boston.com/

Kala ko katapusan na. Tsk… napakalalim ng tubig, at ang iniwang souvenir ang bagyong Ondoy – loss of properties and even worse, lives. Maraming nasira sa amin, pero malaki ang pasasalamat ko pa rin sa Diyos na buhay at ligtas ang aking pamilya at mga kaibigan.

Sa ganitong situwasyon, kelangan na talaga maglatag ng disaster preparation plan ang bawat pamilya ng kani-kaniyang tahanan, naguumpisa ang seguridad at kaligtasan sa ganitong kalamidad sa maliit na sector ng lipunan natin – ang pamilya o tahanan.
Kungdi man magawang lisanin ang kasalukuyang tahanan, dahil sa kakulangan ng budget para ipaayos ito , o dahil sa accessibilities sa trabaho o paaralan, atbp., kelangan at least nakahanda na ang mga dadamputing pangangailangan gaya ng damit, pagkain, gamot, ilang pagkain o groceries sa kanya-kanyang lalagyan o balutan. Kung lumaki na ang tubig at kelangan nang lisanin ang tahanan, kanya kanyang dampot na lang.

Pagdasal na lang natin at tulungan ang iba pang nangangailangan at nagdadalamhati sa ganitong mga panahon.


#2 Climate Change/Global Warming

Kaugnay ng naunang kwentong kutsero, mas nagiging bukas ang isipan nating lahat kapag eto na at binabayo na tayo ng galit ng inang kalikasan.

Isipin na ang ganitong kalamidad sa Pilipinas na naitala ng taong 1919 at 1972, inaasahan pala na ang pagkaulit ng ganito kalakas na bagyo ay dapat sa susunod na 100 taon pa, — tinawag itong 100 year cycle, ngunit dala ng climate change, napaaga ito sa mas inaasahan ng sampung taon.

Pagkatapos manalasa ni Ondoy dito, umatungal naman ang 8.0 magnitude na lindol sa American Samoa at Indonesia. Isipin mo na lang na ang mundo parang isang bolang crystal at tayo ay mga nilalang na nalulunod ng tubig sa loob at hinilo-hilo naman ng lindol pagkatapos.

Ang masaklap nito, mas lalalim ang mga pagbahang nangyari ngayon sa susunod na panahon at ito ay mas dadalas pa.


#3 Ako Mismo!!!

Sa dami ng campaign ad tungkol sa Ako Mismo! — sa katunayan nadaanan ko na ito sa blogosphere ni Mr. Blue at ni Mr. Otakore — Literantado , marami rin akong nais para sa aking sarili , sa lipunan at maging sa mundong ginagalawan natin ngayon.

Sa ngayon lahat tayo, abala kung pano natin matutulungan ang ating mga sarili at matutugunan ang pangangailangan at matulungan ang ating pamilya. Naiisip ko habang ginagawa ko ito, di rin naman masama ang mag-ambag ng suporta o tulong sa ilang sektor o organisasyon na naglalayong isulong ang paglaban sa Global Warming o Climate Change.

Isa sa naisip kong suportahan na may tema ng Ako Mismo! ay ang pagtulong sa mga organisasyong naglalayong isalba ang kaisa-isang lugar kung san lang tayo pwede manirahan – ang mundo.

Mga maliliit na bagay lang gaya ng pagtitipid ng ilaw, konsumpsyon ng gas, paglimita sa paggamit ng non-biodegradable materials o paggamit ng biodegradable materials, recycling. Maging ang pagsubscribe online o paglalagay ng image logo ng mga organisasyong ito na maaaccess sa internet.

Mga uri ng suporta na kungdi man sa pamamagitan ng pera ay makatutulong pa rin ng malaki sa pamamagitan ng disiplina, kusang palo at higit na malasakit.


#4 Nangarag si Kuntil Butil, at Paunang Salita

Ipinanganak si Kuntilbutil sa blogosphere dahil sa ibat ibang interes , creativity, at emotional outlet, sorta-kinda-somewhat-a journal na rin. Sa gulo ng isip ng may akda nito, at sa dami nyang gustong gawin sa buhay, ito ang ginawa nyang stress buster. Harharhar !!!

Paunang salita o babala lamang sa mga mambabasa nito, Kung anoman minsan ang mababasa ninyong patutsada o pagbatikos tungkol sa opinion o mga bagay na hindi kagandahan, paumanhin po. Ngunit unawain nyo rin na ang pook sapot na ito ay personal na ginawa ng may akda base sa nararamdaman nya o iniisip o opinion. Wala pong pilitan sa sinumang mambabasa dito kaya pakiusap, kung me natamaan man dyan, o di nyo nagustuhan ang tema, kindly leave the site na lang and please do not post rude comments — kahit di pa naman nangyayari ang ganon. Di ko rin naman aasahan na marami ang magkakainteres magbasa ng site na ‘to, bastat mailabas ko lang ang nasasaloob ko, solb na ako dun. Di naman ako agaw-atensyon o klsp (kulang lang sa pansin) kahit na minsan emo ang mga post dito. Ke basahin o hindi ang laman nito pareho lang sa akin.

Walang iniwan ang pagbla blog hopping sa pagpasok sa isang bahay na hantarang nakabukas at walang susi — at magugulat na lang ang papasok kung ano man ang makita sa loob. In other words, You’ve been forewarned.

Dagdag ng busy schedule sa work, at iba pang aktibidades, at nasabay pa itong huling bagyo, maraming ligpitin at asikasuhin si kuntilbutil. Mga galit, sama ng loob, patutsada, inspirasyon o opinion (harharhar) na naipon sa loob ng 3 buwang ngangarag-ngarag sa aadik-adik na buhay at trabaho ay di muna maisusulat sa post pansamantala. (Bakit ba ako nagpapaliwanag as if naman maraming bumabasa ng site na ‘to harharhar)

Sapagkat internet journal ko na rin at electronically “living entity” na itong si kuntilbutil kaya marahil yun ang rason. Peace!

October 2, 2009 at 3:53 am 1 comment

Leksyon, Kwentong Kutsero atbp. #4

#1 : Time Bomb

At ang oras ay nag-timeout gaya ng timebomb na ito.

Accckkk!! — at dumating na ang araw ng deadline. Araw na nung bata ka eh (bukod sa christmas day ) sabik na sabik ka magpa spoil sa mga parents o friends mo na tuparin ang kahilingan mo — Shuuuwwwiiinnnggg !!! tunog ng magic wand!

Pero nung dumating na ang markadong date na ‘to sa ngayong taon na ‘to tinawag ko na ‘tong D-DAY, sa halip na short cut na B-DAY, D-Day kasi yung ‘D’ , DEDMA!! Tama! DEDMA !!! —  DEDMA ang ARAW na ‘to kasi …

1.  Nagdadagdag ng 1 taon sa buhay mo. — “Mathematically” nagkakaedad na

2.  Disimuladong nagdadagdag ng kakaibang pressure tungkol sa gagawin mong gameplan — direksyon ng career at personal mong goals sa buhay; Panahon rin para check ang status ng goals mo. Wow! check mo kung gano ka kahusay sa time management! By this high tech time naco compute na rin daw kung kelan ka pwede magretiro at maghintay ng pension mo sa SSS na parang hari/reyna. hawhawhaw!!!

At sa mga single, tsk.. lalo sa mga modern working women — check nyo rin kung interesado pa kayong mag-asawa.. tumatakbo at lumilipas din ang biological clock! Baka naman nalilibang na rin kayo sa trabaho?

Ang pinakaayaw ko sa item na ‘to yung di ako makatulog ng maayos sa gabi !!! Kaka-stress!

3. Dyahe mag-fangirl at manood ng anime – kasi mostly karaniwan ng kakilala mo, akala ang cartoon ay tulad ng anime — pambata lang. Defensive mode lang : check nyo ang tema ng anime — hindi lahat dun pambata, kasi me violence at dark themes din! At me mga storya don na sadyang napakalalim o philosophical kung minsan. Hmmp!

4. Limitasyon sa pakikiuso ng hairstyle o fashion — restricted ka nang sumubok at maging adventurous — dahil me mga binabagayan din sa edad — Well, maliban na lang kung carry mo pa — or makapal ang sikmura mo na sumalo ng unsolicited comments or in kabaklaan term : “Pang-ookray”

5. Eto medyo medyo lang ~ maglambing sa parents mo, kahit nasa edad 30 ka na o pataas at nagkataong single ka pa rin. Yung mga tipong para kayong barkada o “gang” kung magsuligi ng kung ano ano sa mall o divisoria, magpasama magpa pasta sa dentista, etc. Yung iba kasi, they find it so very childish at inaasume na sumisilong ka sa palda ng nanay mo eh ang tanda mo na. hakhakhak!

Pero sabi ko nga, ang taon figures lang yan. Do whatever your heart’s desires are– Youll maybe surprised you get younger at heart! Di ka naman mapapaligaya ng sasabihin ng iba.

Overall Status: Trying hard and (still) achieving. Malayu-layo pa ang lalakbayin ko. Kahit hindi ko na reach lahat ng goals ko this year, on going process pa rin naman yung iba. Kahit baby steps lang. Kesa walang progress di ba? Ang importante me kinahinatnan kahit ilang goals lang. Kasi yung iba, long term goals talaga.

Hindi naman ako ipinanganak na nasa akin ang lahat ng  kelangan ko, (well, sino ba?)

Ang ibig ko sabihin mostly lahat ng goals ko, kelangan pa ng maraming pagtityaga at work around. At kung ano man ang naging achievements ko, maliit man o malaki, ay resulta rin ng :

1. ilang litro ng pawis
2. ilang bote ng luha at sama ng loob
3. ilang kilo ng sakit ng katawan
4. ilang times 10 na tao na nagbigay hamon at pagsubok sa aking katatagan at kakayahan (at nagpahirap hakhakhak!)
5. ilang times 10 na tao na tumulong at umalalay na batahin ang pagsubok sa NGALAN ng : KATUPARAN NG MGA PANGARAP! (BOW)
6. ilang libong dasal sa paghiling at pang-alis ng kaba at agam-agam
7. ilang libong gabi ng pagpupuyat
8. ilang libong gabi na di napagkatulog sa pag-aalala
9. ilang libong lugar at sitwasyon na napasukan para hanapin ang solusyon sa NGALAN ULIT NG : KATUPARAN NG MGA PANGARAP! (BOW)
10. ilang times 10 na mga tao na nasungitan, nakagalitan, at naging bahagi ng di pagkakaunawaan

11. ilang gramo ng hemoglobin/red blood cells ang nawala dahil sa anaemia.

Yun nga lang, sa kung gaano kadali o kahirap ang pagdadaanan ng isang tao ma-attain lang ang goals nya. — Dun nagkakaiba-iba. Pwedeng sayo madali lang, sa akin mahirap, at yung sayo mahirap at sa akin madali lang.

Kungdi man madale ngayon, tiyaga lang! Mabu-bulls-eye rin yan sa tamang timing o panahon. Ganun talaga eh, kesa me regrets ka na hindi mo sinubukan lahat para lang makamtan ang naisin mo sa buhay. Sana lang makagawa pa ako ng maganda gandang strategy para mapabilis ang personal goals ko. At sana hindi lang “baby steps” ang maging progress, “big leaps” na sana.

Ganbarimasu yo!!


#2 : Holiday – BDay- D(edma) Day

Relax-relax lang : Hay, ang sarap siguro gayahin ang dolphin na ito na  pa-swimming swimming lang sa clear sky blue water! Isama ‘to sa big time wish list (image courtesy of : nice-france-holiday.com)

Syempre kung me kinaayawan ako sa B-Day con D(edma)-Day, meron din akong pinakagugusto. Dyaraannn! Dumating na ang araw at nagkataon lunes pa! harharhar!!!

Sabi nga nila libre ang mangarap. Safe gawin ‘to. Kaya ang hirit ko :  “Libre ang mangarap, At di ka maba-bankrupt!!!”

Sabi ko dun sa isang close friend na ka-chat ko, sana pwede tayong magdeclare ng sarili nating holiday. Para kung di natin trip pumasok lalo na kung lunes, declare lang natin Non-working Holiday. hakhakhak!!! Kung nagkatotoo siguro ito, malamang sa loob ng isang taon sa kalendaryo , mas marami ang non-working holiday sa regular working day. harharhar!!!

Ano nga ba ang pinaggagawa ko nung weekend hanggang nung araw na ‘yon :

Nung Weekend : Gawaing bahay, anime marathon sa local tv broadcast

Nung D(edma)-Day/B-day :

1. Nagpagupit = sa unang pagkakataon i took a risk to choose a certain hairstyle na di ako sure kung babagay, buti na lang nakachamba ung gumupit! at chumamba rin ang napili kong haircut! Kungdi, bad hair day  na naman ‘to!

2. Nagmall = nag-shopping ng kailangan.. konting gala. silip kung ano ang showing sa sinehan (parang di lunes nung araw na yon ah! Nag feeling weekend daw ba sa first day ng working week?! harharhar)

3. Kumain = akala ko isusuka ko pa ung mga kinain ko. hakhakhak! Nabigla at napasobra lang pala ako ng pagkain. Tsk.. nagmukha tuloy akong dayukdok sa katakawan at muntik nang di i-carry ng tyan ko.

4. Nag-rerun ng ilang episodes ng J-dramang “Bambino” = namiss kong gawin ‘to. Di ko na magawa ‘to pag late na ako umuuwi.

5. Natulog ng maaga = binibilang ko kung ilang oras na lang bago matapos ang “bakasyon” na ito. Tsk..Tsk…! Bakit ba lahat ng bagay na masarap at masaya kay dali daling matapos? Kinabukasan balik sa realidad  na naman. Kelangan magtrabaho para kumita. Yan ang mundo ng mga working.

Yan, yan… lang ang nakayanan kong i-afford na birthday gift para sa sarili ko — ang mga bagay na nabili ng pera na kailangan ng katawan at kalusugan.

At yung iba — sa sobrang priceless, di mabibili ng pera kailanman : kaligayahan kasama ng mahal sa buhay at kaibigan; at katiwasayan ng kalooban

Yung pangatlo, takas muna sa “battlefield” ng totoong buhay — kahit pansamantala lang. Sabi sa commercial : Have a break, Have a kitkat!

Salamat Lord!

July 23, 2009 at 12:24 pm 9 comments

Leksyon, Kwentong Kutsero atbp. #3

Hay, hay, hay… at isa pang.. Hay…!!! Buntunghininga na lang! San kaya makabili ng swerte??!!

Panget talaga ng month na ‘to… Mukhang tumatalab na nga ang prediksyon na di kagandahan at puno ng disappointment at frustration ang kapalaran ko ngayong Year of the Cow.

Continue Reading May 28, 2009 at 11:46 am 1 comment

Leksyon, Kwentong Kutsero atbp. #2

#1 : Mainit, Kontrobersyal!

Mainit na mainit ang issue sa kamoralan , wastong paggamit ng makabagong kagamitan at teknolohiya, isyung pangkababaihan at relasyon – sa kasamaang palad : salamat sa mga video scandal na nakabuyangyang at pinagpye pyestahan ngayon sa youtube, at sa mga kopya ng piratang dvd na hot items ngayon.

#2 : Time Management

Mahirap talaga ang time management. Ito na yata ang isa sa pinakamahirap na skills na matututunan ng isang tao — ang mahalin at pahalagahan ang bawat oras na dumadaan. Sapagkat pag itoy nakaalpas na, di na babalik pa.

Continue Reading May 22, 2009 at 5:04 am 4 comments

Ang Istorya sa likod ng mga Puting Buhok

“Siguro nga, na ang pagtanda, gaya ng takot — ay nasa isip lang ng tao. Ang sukatan ng pinagkatandaan ay wala sa edad — numero lang yan. Ang pinagkatandaan ay nasusukat sa dami ng karanasan at karunungan mo sa buhay.. at kung pano mo ginagamit ito ng wasto. “

Continue Reading May 5, 2009 at 3:45 am 1 comment

Older Posts


KuntilButil – D’ BLAG-ger


Sino si kuntilbutil? Maaring ikaw, sila, o ako. Minsan normal, minsan hindi.

Calendar

January 2018
M T W T F S S
« Oct    
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

KuntilButil's Recent Posts

KuntilButil’s Posts Archives

Mga Naligaw at Napadaan

  • 20,383