Posts tagged ‘slice of life’

Samu’t-Sari #4 : Child of Tofu!

Nak ng Tokwa.

Kumusta naman. Proud pa ako na ganon na ako ka-streetwise para umiwas sa trapik. Pero wala talagang naging kawala. Ang ending : kaiiwas kaiiwas at kagagawa ng shortcut at kapipili ng maikling ruta lalong na delay at nagkahirap hirap makarating sa paroroonan.
Ang unang balak sumakay sa jeep then LRT. since mas malapit ang work pag ang way Gil Puyat, this was the first plan. But then naisip ko, mabagal ang jeep pabyaheng NLEX >_< Mag fx ako.
Trap #1 :
O sige. Bigay ng P45. Tuwang tuwa naman ako pa-MRT. Medyo tanghali na kaya hindi na siguro ganon ka jam packed ang tren. Taragis. mga bandang 9am tumirik ang fx along the NLEX road at mga 500 meters pa siguro ang camachille. Walang pwede magsakay. Anytime pwede kaming masuro o mabunggo ng mga sasakyang papaluwas ang daan. We’re trapped. We’re late. We’re stucked. I am damned.
At naguumpisa na naman maging active ang stress sensor sa utak ko. Nakakainit ng ulo. Ang jologs na drayber, halatadong ayaw ibigay ang kita sa ibang fx driver na magre rescue sa amin. Nag delaying tactic! At wala syang gamit at wala rin atang skill mag mekaniko ng lintek na fx na sinakyan namin na nasira. At talagang he took his time to “text” ?! di ba dapat sa ganong situwasyon Call na agad! At ang talagang malupit, yung mga pasahero na nga nagoffer na magcontact, ni isa di makontak kontak?!
Grrr… so ayan. nabyahe kami ng backup na fx after mga 35 minutes. Mag aalas dyes na.
Trap #2 :
Sabi ko pa, why not would i take LRT instead? Pa oliveros na. E sayang ung P45! Sana nung una pa lang nagdyip na ako to reach the Balintawak to LRT route. Bahala na. Mag LRT ako kasi mas malapit ang location dun pag G. Puyat ako manggangaling. Baba ako ng Bagong Barrio.
Walang masakyan! ng papuntang LRT. Puro MCU lang. Malayo ang lalakarin ko! Grr… Yan pangalawang bad decision na yan. >_< Yung isang bibyahe ng pa North mall, mukhang bukas pa lalakad dahil intay pa ng pasahero. After mga 20 minutes nakatiyempo ng papuntang LRT north mall.
Ayun. Hapung hapo na naman sa byahe. Pagdating ng uwian :
Trap #3 : Idadaan ko sana sa office yung laptop para hindi na manggaling ng bahay ang pagdadala pabalik nito sa monday. Sabi ko, pwede Baba ako ng Cubao para sakay ulet ng bus. Lalakarin lang ng kapraso to get to the office. Sabi ko, ayaw ko maglakad. At magtatagal ang cubao bus kasi ma trapik. Bababa na lang ako ng Kamuning station para maground trip. Maglalakad na lang ako.
Ang hindi ko natantya : Ang haba ng lalakarin at masaket na talaga ang braso ko sa bitbit kong laptop. Ayun. Sa pagod naguumpisa na naman ako mainis at isisi ang kamalasan ng byahe nung umaga. Grrr…. Parang ilang bundok ang inakyat ko at ilog na tinawid just to reach the office.
Pawisan at lawit na siguro dila ko pagdating dun.
Arrgggh. lalakad na naman ako pauwe?! Para lang makasakay sa tamang sakayan. Ah, di ko na kaya!!!!!
Trap # 4 : Kala ko nakatipid na ako sa budget dahil nagbaon ako ng lunch. Pero dahil di ko kakayanin na maglakad para sumakay pa ng bus pauwi. Nag taxi ako. Grrr… Goodbye another P50. Baba ako ng isang mall to de-stress after ng nakakabuwisit na experience.. Hay, hirap ng on business trips.
Tama ang sabi ng kaibigan ko. Walang desisyong mali. Kadalasan yung nagiging outcome ang hindi natin makontrol. Magkaganun paman, dapat matuto tayo magsugal at magprepare ng backup plan pag pumalpak.
Hay, just charge it in the experience. Child of Tofu!
Advertisements

October 9, 2010 at 8:43 am 1 comment

Samut-sari #2 : Shonga-Shonga and Everything!

#1 Wala lang.

Lumalala na ata ang “premature alzheimers” ko. lols… wala… walang format ang post na ito. Rambol rambol na lahat ng dapat magrambol. at matira ang matibay!
Shonga Shonga. Yan ako. — madalas at madadalas pa sa mga susunod na araw. Teka bakit ba parang naging online diary ang post na to? Wala rin. Emo. Emong desperado. harharharhar.
Whew! Wag na naman sana sila atakihin na naman ng usual nilang sakit — yung mga taong madalas mag-trip kahit hindi naman adik. Actually mas malupit pa silang mag-trip sa tunay na adik!!! >_<
Mga adeeeeekkkkkkk !!!! Yan ang gusto ko isigaw ng bonggang-bongga sa peys nilang kung saan naka vulca seal na ata sa pagkakadikit ang attitude ng pang-ookray, panglalait at pamimintas. Tamaan sana kayo ng malupit na kidlat. Ayaw ko naman mag-astang asal hayup at kahit man lang sa online post na ito eh maging sibilisado man lang ako. Kahit na minsan gusto ko na idikdik sa sahig ang pagmumukha nung mga taong di mo malaman kung meron lang constipation at sumasama ang asal o ugale… Hay! Baka nga nagti trip lang. Kahit wala ka namang alam na atraso sa kanila, Buo na ang araw nila sa pamamagitan ng pagsisira naman ng araw ng ibang taong nakapaligid sa kanila… Tsk tsk… kawawa!
Why can’t we live in such a perfect world? Hmmm.. Talaga nga atang ganito kamakasalanan ang tao. Inggit. Galit. Kasakiman. In any order yan… huh.
O, wag ma-guilty nang basta basta : kung mabasa man ang post na ito. Kung wala ka namang ginagawang masama sa me akda ng post na eto o di mo naman siya kilala eh batet ka naman ma hu hurt at gaganti rin ng defensive at offensive na post??? Kaw lang ba ang may kaaway? Meron din naman ako. Me karapatan din naman ako magkaron ng kaaway hahahaha.

#2 Wala lang din.

O aminin na. Kahit puro “wala lang” ang subsection ng walang kwentang post na ito. Na curious ka pa rin basahin ano? (O, kung sino ka mang bisita ng tambayan na to) Aminin!

Sa totoo naman kasi me kalabuan minsan ang pag-iisip nating mga tao. Pag sinabing wala lang. Maraming posibleng kahulugan. As in, wala kang care, di mo concern, o wala lang na hindi masama ang loob mo pero sa totoo lang nagngingitngit ka siguro sa galit dun sa katabi mo sa lrt na di sinasadyang nakatapak sa bagong pedicure mong kuko. harharhar.. (sample scenario lang.) O di kaya , sasabihin mo wala lang na parang wa ka care o di ka nagiisip ng super deep pero sa totoo madalas ka ring tulala sa pag-iisip ng kung ano man.

Anyway, lately na realize ko :

Na ang pagiging maligaya, at malusog ay di lang basta pribilehiyo mo bilang isang tao. Bagkus, katungkulan o obligasyon mo  sa iyong sarili ang maging maligaya o malusog in all aspects, yung tinatawag na well-being;

Na kung ang gago o gaga ang tingin mo sa isang tao dahil naloloko ito or ikaw mismo ang nananamantala sa kanilang kahinaan; Mas gago o gago ka at mas masahol ka pa malamang sa hayup dahil nilalapastangan mo ang kahinaan nila. Gaya na lang ng me mga taong sa sobrang pagmamahal nila, pinagsasamantalahan sila ng mga taong mahal nila. (Ops, teka, officially nbsb member pa rin naman ako, kay tabil tabil na naman kasi ng isipan ko at ayaw na naman paawat sa pagdaldal eh! So in general observation lang naman ‘to..)  Kung sa palagay ng mga manlolokong yon walang kwenta at basahan yung taong nagpakatanga lang na mahalin sila, di hamak na sanglibot sangdaang mas tanga sila dahil hindi nila na-realize na pahalagahan man lang yung panahon at pagmamahal na iniukol sa kanila ng mga taong naging tanga lang na mahalin sila; Di lang sa romantic love applicable to ah. Love — of any kind.

Na minsan mas ok din ang maging shonga-shonga, clumsy (asiwa), sablayin,  lapitin ng kantyaw o kapalpakan pa minsan minsan para pagbigyan ang isang bonggang bonggang halakhak na madalas pa sa patak ng ulan tuwing summer. (??? Ang gulo ha. Summer expect ka ng ulan? harharhar) Kaya nga ganon ang analogy — Parang ang paglitaw ng ngiti o paghalakhak ay napakahirap nang gawin kung napakaraming pinagdaraanang problema  o mahirap na situwasyon  ang isang tao — na maihahalintulad sa imposibleng pagpatak ng ulan sa isang mainit na panahon ng tag-araw. Yan ganyan yon. Madalas seryoso ang mukha at tila napakalaking trabaho na ang magtapon ng ngiti. Kaya mas ok na ice breaker yung mga scenario na magkakamali ka at andun yung icebreaker — yung pansamantalang gawing katatawanan ang isang di sinasadyang pagkakamali; Yung tipong magiging tampulan ng joke at laughing stock sa loob ng isang linggo. Sampol, yung one time na natisod at halos madapa ako nun sa harap ng mismo ng crush ko nung highschool.. wahahaha. Tagal na non. Anyway sampol lang naman.

Na sa sobrang gulo, problemado ng mundong ito, masarap at masaya din ang mag-isa. Mas nakakapag reflect ka ng gusto mong gawin sa buhay mo pati yung pagtatama sa mga pagkakamali mo.  Make it a habit to spend time alone with yourself. Minsan sa dami ng pagkakahalu halo ng personality ng mga kaibigan mo, you need a moment of silence to find yourself. Your core. Bakit? Kung sakali na realize mo na, mapapansin mo na kung minsan hindi ka nagiging totoo sa sarili mo, yung mga ayaw at gusto mo, dahil nakikisama o nakikibagay ka mas madalas sa gusto ng iba. Lalo kung hindi ka masyadong open sa mga iniisip at prinsipyo mo na maaring iba sa kanila. Anyway, mapagtatanto mong lahat ng yon habang nag-iisa ka.  And when you get out of your shell at  once, mas vocal ka nang ishare sa kanila ito at mas maiintidihan ka nila —  It’s respecting people’s differences and uniqueness as individual.

Hay, kakapagod din ang mag-emo ha.. Pero it’s one thing that makes you feel you’re still alive. Cause you’re still capable of feeling.  Di ba? ^_^


October 3, 2010 at 9:28 am Leave a comment

Isang Dayalogo Kay Kupido

Isang episode ng dayalogo sa pagitan ng tagalupa at ni Kupido :

Sabi ng tagalupa :
Ayan ka na naman eh… Tinutudla at inaasinta mo na naman ako pilit ng pana mo. Iyan ang ayaw ko sayo eh, akala ko ba friends tayo? Bakit pati ako tinatalo mo?

Si bestfriend, si barkada, si kuya, si sister, at lahat ng taong kilala ko, tinalo mo na. Pinagpapana mo ba naman sila lahat eh. At kusa naman sila nagpapana sayo… Ayun in-love sila ngayon. Pero di lahat silang pinana mo naging masaya sa choice nila. Meron iba, masaya, yung iba … sinusubok ng pag-ibig na epekto ng pana mo, at yung iba…., nakakalungkot isiping nagdudusa sa naging consequences ng choice nila;

At eto pa… di ba pwedeng wag na lang isama yung pagluha at pagdurusa sa package deal ng love-love mo? Bakit ba kelangan pagdaanan lahat ng biktima ng pana mo yung ganon?

O ngayon, bakit di ka makaimik dyan?

Makaraan ang ilang sandali, sumagot si Kupido para depensahan ang sarili …

Alam mo, ganun naman talaga ang buhay eh.. Wag mo naman ako masyado pagalitan sa naging consequences ng mga taong pinana ko sa ngalan ng pag-ibig…

Tandaan mo, lagi namang me choice ang tao. Tama ka, hindi lahat ng dumaan sa talim ng pana ko nagkaron ng happy ending… Pero palagay mo ba matututo ang isang tao at magiging matatag sa kahit anumang pagsubok sa buhay kung wala ang luha at sakit?

Ganun talaga ang package deal, tagalupa, Take it or Leave it. Pag nagmahal ka, nasasaktan ka, lumuluha, pero ang kapalit non nagigiging mas matalino ka, tumitibay at mas nagiging mapagbigay.

Dont blame it all on LOVE at sa pana ko, tagalupa. Mahirap man tanggapin, kayong mga tao ang me fault eh.Masaya kayo pag inlove kayo, pero pag andyan na yung problema, ang hihina nyo!

Pag natalisod kayo at nadapa, parang ayaw nyo na bumangon.

Me bukas pa kaya! Di kayo dapat sumusuko. Learn where and when to fight… at the same time when to move on and let go. Life is full of second chances.

So, ano ngayon ang masasabi mo tagalupa?

Handa ka na ba tanggapin ng buong puso ang pana ko?

Kung ganon handa ka na ba lumuha, magbigay, maging matatag at matalino sa magiging consequences mo kung sakaling kumatok sayo ang pag-ibig? Maski ito ay hindi inaasahan?

At sumagot si tagalupa …

Pwede ba sa susunod na lang ako? Iwas muna ako sa pana mo. Consider this as one of my previous favors, pwede ba kupido?

Kung pipilitin mo ako, gagayahin ko yung da moves and effects na ginawa ni Keanu Reeves dun sa Matrix, yung iniiwasan nya yung mga bala ng baril sa ere sa pamamagitan ng special na da moves nyang kay bilis at kay cool! Nyahahaha..


ito raw ang gagawin ng tagalupa na ‘special na da moves’ para lang maiwasan ang pag-target ni Mr. Kupido.


Ito pa yung isa pang exhibition ng ‘special na da moves’ orig ni Agent Smith. Bale, nag-trying-hard-copy-cat si Neo di ba? ^_^ sablay nga siya eh.

Gagawin ko yun para maiwasan yung pana mo. Dahil di pa ako ready. Di pa ako handang masaktan ng bonggang bongga at di rin ako sigurado na hindi magiging selfish.

Next time na lang. Mr. Kupido, Gaya nga ng sabi mo. Dapat prepare yung tatamaan ng pana mo. Di ba?

At this point in time, di pa ako ready. Yung kaparehas na ipe-pair mo sana sa akin, mukhang di pa rin ready. Maghanap ka yung tipong mayaman at forenger ha? Yung mabait at marunong magmahal. Joke Lang! Kaw na bahala.

So, ibig sabihin ba nito we made a deal?

At Sa huling paalala ni Kupido :

Bahala ka. As if me magagawa naman ako kung sadyang kay tinik at lupit nyang “special da moves” mo na yan sa pag-iwas mo !

Basta, ito lang ang kabilin-bilinan ko at babala :

When I hit you with my arrows, and you’re ready to FALL in love, Make it sure that you MEAN it so truthfully that you’ll always BE in love

Tanggapin nyo ng may katatagan at buong ahem…POISE problemang kaakibat ng pagmamahal o pag-ibig.

Di yong nagkakandasuka kayo at binabayo ng matinding HANG-OVER matapos nyong maglaseng pagkatapos mabigo! Nakakahiya kayo! Do it with full composure and level-headedness.

In short, pangatawanan nyo. Di yung gusto nyo lang laging yung langit at sarap lang ang gusto nyo i-experience. Pag andyan na problema mabilis pa kayo sa alas-kwatro kung magpulasan. Fight for it. if, and only if, it WORTHS it.

Wag nyo gawing laro lang ang pag-ibig, bagkus, treat it as treasure and blessing. At kapag di nyo sinunod to at nagpasaway kayo, kayo na ang bahalang makipag-usap kay Mr. Karma.

So, are we clear making this deal ? IN or OUT ka ba? Nasa iyo yan.

May 16, 2010 at 4:23 am 2 comments

$$$ Usapang Kaperahan! $$$


Kung ang tao ay puro pera at pera na lang ang iniisip, malamang ang dami na ngang dollar symbol ang nasa loob ng kanilang bungo pag ini-scan ito. Ganito rin kaya magiging chura ng bungo mo???

 

  • Ano ba ang pinagkapareho ng pera at ng mundo? Simple lang. Pareho silang hugis bilog.
  • Kaya paikutin ng pera ang buhay ng tao at ang takbo nito — gawing malinis at dalisay ang bagay na marumi at bulok ; ituwid ang bagay na baluktot o balintuna; bilhin ang katotohanan kapalit ng kasinungalingan.
  • Ang mga kusing na bilog — umiikot-ikot… tulad ng kapalaran ng tao — nasa itaas o ibaba lang ang direksyon. Ang taong maraming pera, paitaas ang ikot ng kapalaran, kabaligtaran naman ng mga taong salat nito — na nakikipagbakbakan maitawid lamang ang kanilang mga pangangailangan.
  • Sa araw araw na ginawa ng Diyos ~~~ na walong oras don ay ginugugol upang kumita ng pera —– me mga oras na tinatanong mo sa sarili mo, bakit ko ba kelangan magtrabaho? Nakakaloko ang tanong di ba? Para kumita ng pera! Bakit kelangan ng pera? Hayyyzzz ang tanong na yan ay napakasimple nang sagutin. Bakit pa nga ba naimbento ang pera?
  • Ano ba ang makakaya mong gawin sa ngalan ng pera? Maraming pagpipilian — una ay ang lumaban ng patas para kitain ito — magpunyagi at kumita sa sariling pawis ng walang tinatapakan o sinasaktang ibang tao. Ang ipuhunan ang sariling talino, kakayahan, pagtitiis at sipag. o di kaya ay ang kabaligtaran — manakit o kumitil ng buhay ng ibang tao … o ipahamak o pagtaksilan kahit ang iyong kadugo o kaanak sa udyok ng inggit at kasakiman.
  • Bagaman madalas syang gamitin bilang instrumento ng kahangalan, kasamaan o kabutihan — Sa akin ayos lang MAHALIN ang pera… wag lang SAMBAHIN ang pera… Malaki ang pagkakaiba di ba?

  • Ang pagmamahal sa pera ay kinakikitaan ng wastong paggasta nito, na naaayon sa iyong pangangailangan o tulong sa iyong kapwa o mahal sa buhay. Iyon ay paraan lamang ng pagpapahalaga sa iyong paghihirap upang kitain ito. Ang isa sa joke na di nakakatawa ay sabihin mong “madali lang naman kumita ng pera!” o kaya “di naman kelangan ng pera, rich kami eh!” harharhar
  •  


    Nakakamanghang isip na ang mga kusing at magaan na papel na ito ay kayang paikutin ang mundo sa kanyang axis, di ba? Tayo na mismong mga tao ang nagkaloob malaking kapangyarihan sa bagay na tinawag na “pera” o “salapi.”

     

  • Iba naman ang kaso ng mga taong ang DIYOS ay PERA. Itinuturing nila na ito ang pinakaimportante sa buhay nila, sapagkat ito ay nagbibigay sa kanila ng malaking kapangyarihan upang gawin ang gusto nila; magbigay ng karapatan na magmataas at magmapuri sa kanilang mga sarili… at manliit o magmatapobre sa mga taong kulang o walang pera. Dahil Diyos nila ay PERA, nakatanim sa kanilang kamalayan na inangkin na nila ang buong mundo at ito ay pinaiikot lamang nila sa kanilang mga palad.
  • Sa totoo lang, tao na rin me kasalanan kung bakit makasalanan ang pera. Simple lang. Kung sa mabuti mo ginamit, mainam o mabuti ang pera, kung sa masama , masama rin ang pera. Sa halip na hayaan nating gamitin at paikutin tayo ng pera, tayo ang dapat kumontrol at gumamit dito nang wasto. O, hanggang dito na muna, gagawa lang na muna ng pera yung may-akda. ^_^

March 5, 2010 at 12:11 pm 1 comment

Valentine’s Day !

Uh-uh… tawagin na lang natin syang si Ms. Sungit. Bagamat di sya masasabing batikan sa larangan ng pag-ibig,– in fact isa siya sa nangungunang miyembro ng Kapisanan ng mga NBSB(No Boyfriend Since Birth) sa Pilipinas, nakapagtatakang may mga mangilan-ngilang tao ang humihingi ng kanyang opinyon at at.. at.. AT!!! PAYO???!!!! sa kanya pagdating sa problema sa puso– yung tinatawag na pag-ibig.

Natatawa na lang sya kasi bakit sa kanya hihingi ng payo o opinyon sa bagay na hindi pa nya naranasan o nasuungan kahit minsan sa buhay nya. Ayaw pa naman nya yung masisi kung ang naging resulta ng payo nya ay napasama kaysa napabuti.

Sabi ni Ms. Sungit : “Ill lend you my listening ear and give you my broad shoulders to cry on, but when it comes to the matters of the heart — dont trust on my advices too much because love is never a game i had an experience to play,” In other words, ask for a second opinion galing sa mga taong nakaranas na. They might know better. Ika nga, pansamantalang remedy lang sa “sakitsa puso” yung opinyon o payo na maririnig mo sa kanya. Parang “If symptoms persist, consult your doctor!” ang dating.

Sabi rin ni Ms. Sungit, kahit NBSB member sya, hindi naman ibig sabihin non ganon sya kashonga-shonga o ignorante sa rabu-rabu (love-love) na yan. Me mga basihan ang kanyang observations at malapit yon sa katotohanan na ginagalawan ng mga tao sa pesteng layf na ‘to. Ipagpalagay natin na kumbaga sa horoscope nasa at least 70-75% passing rate na accurate ang observations nya…

Bits and pieces galing kay Ms. Sungit tungkol sa viewpoint nya about Valentines — Una, nung elementary sya, first time syang pinagawa ng Heart shape cutout galing sa pulang kartolina, yun bang ang aktibidades sa school, gugupit ka ng heart shape tapos lalagyan mo to ng design… pang decorate sa room pag valentines. First time na hindi rin alam ni Ms. Sungit nung elementary school sya ang tamang SPELLING NG VALENTINES DAY. Ang naisusulat nya madalas non sa design ng heart shaped cutout ay “HAPPY VALENTIMES DAY” haha. Natawa ako, ayos talaga si Ms. Sungit. Later nakatuwaan nyang isipin na parang sinadya raw ata ng tadhana na magkamali sya ng spell out ng VALENTINES. Bakit daw? Ito ang pilosopo nyang sagot…

Valentines Day, parang yung celebration daw nito, pana-panahon lang. Every Feb. 14 lang! Ah. tama sya. so VALENTIMES — TIME, VALEN-TIME.. So .. ayun.. haha. Pwede nang palusot yun sa simple nyang misspell ng word na Valentines.

So hanggang dyan na lang na muna ang kwento kay Ms. Sungit.

February 6, 2010 at 12:45 pm 2 comments

Leksyon, Kwentong Kutsero, Atbp. #6

Gising Na! 2010 Na! Isang Pang New Year na Post (Kuno)

Image courtesy of freedigitalphotos.net

  1. Matapos magkabagyuhan at magkalaslasan ang mga bulsa dala ng katakut takot na aberya at ondoy-pepeng ng nagdaang taon, eto na, eto na!! ang unang post ko sa taong ito. Actually, masabi lang na hindi naabandona sa cyberspace ang tambayan ni kuntilbutil. Eto, sumulat ako ng una kong post. Harharhar.. mabigat isiping pati ang pook sapot na ito ay tuluyan nang tetengga ng matagal dahil lang kay ondoy at pepeng nyahahaha… marami lang talagang ginawa..
  2. kaugnay ng naunang puntos, actually, ito na yata ang isa sa walang katorya-torya kong posts, sa loob ng ilang buwang aandap – andap at madalang pa sa patak ng ulang update ng pook sapot na to, (aba tagalog nosebleed ‘to this time!) bakit kanyo walang kwenta? Wala lang. Wala lang talaga syang kwenta. Harharhar. Hindi kidding aside, walang format eh! Ah Kaya! hindi ko nga maikategorya ito sa regular na posts tag o category, kasi nga, anything goes.
  3. Komo nga walang format ang post na ito, ironic isipin na ang daldal daldal na naman ng isip ko. Balikan ang unang puntos bakit naisulat ang post na ito—muling nabuhay panamantala ang matabil na isipan ni kuntilbutil matapos ngang magkabagyuhan at magkalaslasan ang bulsa. Looking back at the past year, and summing everything up at what happened, It’s in the scale of 5/10 – kalahati ay puno ng challenge at kunsumisyon at kalahati naman me swerte pa rin. Di na masama?
  4. Year of the Tiger pala ngayong taon. Di kaya mas dumami ang maiinit ang ulo na mga tao ngayon kumpara ng nagdaang taon? (Year of the Cow, di ko ata makakalimutan ang nagdaang taong ito!) Asa naman ako na sana mas maging ok ang taon na ‘to kaysa dun sa sinundan. Tama! Asa na lang tayong lahat harharhar… Wala namang portable na time machine na pwede gamitin para masilip natin ang hinaharap na gaya ng ginagawa nating pagpindot ng Fast Forward button sa remote control ng dvd player… harharhar. – in other words, ginagawa natin ang lahat ng dapat gawin sa kasalukuyan hanggat me pagkakataon pa at anuman ang kahihinatnan sa hinaharap, iyon ay bunga lamang ng lahat ng pinaggagawa natin sa mga oras na nanatili sa ating mga palad.
  5. Di masyado nakapaggala ng vacation week. Wala lang. Kinulang sa energy harharhar. Ang adik talaga ng unang post na to.
  6. Nakakanerbiyos at nakakatakot nang kaunti ang mangyayari this year, masyadong personal hehe. Ang masasabi ko lang, nagsabay sabay nang lahat ng priorities!!! Sige pa, lahat kayo tumambak sa #1 spot !!! at di na nga ako magkandaugaga dito ho! Ho! ho! (tapos na pala ang Christmas, di tugma ang tawang santa claus) Har har har na lang !!!
  7. Pero ganito naman talaga ang buhay, ituring na lang lahat ng hirap mo ngayon ay isang form ng investment, sa madaling salita, aanihin mo rin lahat ng hirap at sikap na ginagawa mo ngayon, wag lang masyadong pakaasa na matutupad lahat ng goals, kahit yung ilang pinaka importante na lang. You know – limitation. At sa dahilang maraming mangyayari sa buhay mo na di inaasahan ang magpapabago sa takbo ng plano mo. Magkaganunman at di lahat ng goals na reach —  Importante kahit pano, me napala, kesa  butata!
  8. Ilang gabing di mapagkatulog at ilang sakit na naman ng ulo kaya ang dadaan ngayong taon? Harharhar. Nakakatakot talaga, kung busy kami ng nakaraang taon, mukhang triple itong susunod! Ahoho… anyway, highway.
  9. Kaugnay ng ikawalong puntos, buti na lang talaga at nilikha ng Diyos ang gabi. Maraming pagkakataon marahil sa buhay ng isang tao, hindi nabibigyan ng pasasalamat ang mga gabi sa buhay nya na maipapahinga nya ang sariling isip at katawan—buhat sa isang buong araw ng episode ng buhay niya kung saan nakikipagbakbakan sya para mabuhay. Kung nilikha ang oras ng paggawa, iyon ay marahil nilikha rin ang oras ng pagpapahinga. Cycle lang talaga.
  10. Kaugnay rin ng ika syam na puntos, kung ikaw ay isang tao na nakakatulog ng mahusay sa gabi, sa harap ng maraming suliraning kinakaharap, aba maswerte kang nilalang! Gaya ng tunay na kaligayahan at kalusugan, hindi basta nabibili ng salapi ang isang mahimbing na tulog sa gabi.

Alay ko ang ilang linya ng taludtod na ito sa ikasampung puntos :

Isang Maikling Tula Alay sa Araw At Gabi

Dalawamput apat na oras, inialay sa isang araw

Labing dalawa kay haring gabi, labing dalawa kay haring-araw;

Bukang liwayway si haring araw, liwanag at buhay sa lahat ng nilalang

Matapos ng takip silim, sisilip na si haring buwan, tatanglawan at gagantimpalaan

Lahat ng nahihimbing at namamahinga upang harapin ang bagong araw.

Happy New Year sa Lahat!

January 2, 2010 at 9:19 am 1 comment

Leksyon, Kwentong Kutsero, Atbp. #5

#1 At Tinamaan Ng… Ondoy !!!

Image courtesy of : http://cache.boston.com/

Image courtesy of : http://cache.boston.com/

Kala ko katapusan na. Tsk… napakalalim ng tubig, at ang iniwang souvenir ang bagyong Ondoy – loss of properties and even worse, lives. Maraming nasira sa amin, pero malaki ang pasasalamat ko pa rin sa Diyos na buhay at ligtas ang aking pamilya at mga kaibigan.

Sa ganitong situwasyon, kelangan na talaga maglatag ng disaster preparation plan ang bawat pamilya ng kani-kaniyang tahanan, naguumpisa ang seguridad at kaligtasan sa ganitong kalamidad sa maliit na sector ng lipunan natin – ang pamilya o tahanan.
Kungdi man magawang lisanin ang kasalukuyang tahanan, dahil sa kakulangan ng budget para ipaayos ito , o dahil sa accessibilities sa trabaho o paaralan, atbp., kelangan at least nakahanda na ang mga dadamputing pangangailangan gaya ng damit, pagkain, gamot, ilang pagkain o groceries sa kanya-kanyang lalagyan o balutan. Kung lumaki na ang tubig at kelangan nang lisanin ang tahanan, kanya kanyang dampot na lang.

Pagdasal na lang natin at tulungan ang iba pang nangangailangan at nagdadalamhati sa ganitong mga panahon.


#2 Climate Change/Global Warming

Kaugnay ng naunang kwentong kutsero, mas nagiging bukas ang isipan nating lahat kapag eto na at binabayo na tayo ng galit ng inang kalikasan.

Isipin na ang ganitong kalamidad sa Pilipinas na naitala ng taong 1919 at 1972, inaasahan pala na ang pagkaulit ng ganito kalakas na bagyo ay dapat sa susunod na 100 taon pa, — tinawag itong 100 year cycle, ngunit dala ng climate change, napaaga ito sa mas inaasahan ng sampung taon.

Pagkatapos manalasa ni Ondoy dito, umatungal naman ang 8.0 magnitude na lindol sa American Samoa at Indonesia. Isipin mo na lang na ang mundo parang isang bolang crystal at tayo ay mga nilalang na nalulunod ng tubig sa loob at hinilo-hilo naman ng lindol pagkatapos.

Ang masaklap nito, mas lalalim ang mga pagbahang nangyari ngayon sa susunod na panahon at ito ay mas dadalas pa.


#3 Ako Mismo!!!

Sa dami ng campaign ad tungkol sa Ako Mismo! — sa katunayan nadaanan ko na ito sa blogosphere ni Mr. Blue at ni Mr. Otakore — Literantado , marami rin akong nais para sa aking sarili , sa lipunan at maging sa mundong ginagalawan natin ngayon.

Sa ngayon lahat tayo, abala kung pano natin matutulungan ang ating mga sarili at matutugunan ang pangangailangan at matulungan ang ating pamilya. Naiisip ko habang ginagawa ko ito, di rin naman masama ang mag-ambag ng suporta o tulong sa ilang sektor o organisasyon na naglalayong isulong ang paglaban sa Global Warming o Climate Change.

Isa sa naisip kong suportahan na may tema ng Ako Mismo! ay ang pagtulong sa mga organisasyong naglalayong isalba ang kaisa-isang lugar kung san lang tayo pwede manirahan – ang mundo.

Mga maliliit na bagay lang gaya ng pagtitipid ng ilaw, konsumpsyon ng gas, paglimita sa paggamit ng non-biodegradable materials o paggamit ng biodegradable materials, recycling. Maging ang pagsubscribe online o paglalagay ng image logo ng mga organisasyong ito na maaaccess sa internet.

Mga uri ng suporta na kungdi man sa pamamagitan ng pera ay makatutulong pa rin ng malaki sa pamamagitan ng disiplina, kusang palo at higit na malasakit.


#4 Nangarag si Kuntil Butil, at Paunang Salita

Ipinanganak si Kuntilbutil sa blogosphere dahil sa ibat ibang interes , creativity, at emotional outlet, sorta-kinda-somewhat-a journal na rin. Sa gulo ng isip ng may akda nito, at sa dami nyang gustong gawin sa buhay, ito ang ginawa nyang stress buster. Harharhar !!!

Paunang salita o babala lamang sa mga mambabasa nito, Kung anoman minsan ang mababasa ninyong patutsada o pagbatikos tungkol sa opinion o mga bagay na hindi kagandahan, paumanhin po. Ngunit unawain nyo rin na ang pook sapot na ito ay personal na ginawa ng may akda base sa nararamdaman nya o iniisip o opinion. Wala pong pilitan sa sinumang mambabasa dito kaya pakiusap, kung me natamaan man dyan, o di nyo nagustuhan ang tema, kindly leave the site na lang and please do not post rude comments — kahit di pa naman nangyayari ang ganon. Di ko rin naman aasahan na marami ang magkakainteres magbasa ng site na ‘to, bastat mailabas ko lang ang nasasaloob ko, solb na ako dun. Di naman ako agaw-atensyon o klsp (kulang lang sa pansin) kahit na minsan emo ang mga post dito. Ke basahin o hindi ang laman nito pareho lang sa akin.

Walang iniwan ang pagbla blog hopping sa pagpasok sa isang bahay na hantarang nakabukas at walang susi — at magugulat na lang ang papasok kung ano man ang makita sa loob. In other words, You’ve been forewarned.

Dagdag ng busy schedule sa work, at iba pang aktibidades, at nasabay pa itong huling bagyo, maraming ligpitin at asikasuhin si kuntilbutil. Mga galit, sama ng loob, patutsada, inspirasyon o opinion (harharhar) na naipon sa loob ng 3 buwang ngangarag-ngarag sa aadik-adik na buhay at trabaho ay di muna maisusulat sa post pansamantala. (Bakit ba ako nagpapaliwanag as if naman maraming bumabasa ng site na ‘to harharhar)

Sapagkat internet journal ko na rin at electronically “living entity” na itong si kuntilbutil kaya marahil yun ang rason. Peace!

October 2, 2009 at 3:53 am 1 comment

Older Posts


KuntilButil – D’ BLAG-ger


Sino si kuntilbutil? Maaring ikaw, sila, o ako. Minsan normal, minsan hindi.

Calendar

December 2018
M T W T F S S
« Oct    
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

KuntilButil’s Posts Archives

Mga Naligaw at Napadaan

  • 21,238